Thursday, May 14, 2015

Anim mga turista biktima na naman ng manlulukong komisyoner

Hindi parin masawata ang ilan sa mga komisyoner na pasaway sa Isla ng Boracay ito ay matapos isa na naman sa mga ito ang nagsinungaling umano sa mga bisita at nakakuha ng malaking halaga ng pera.
Salaysay ng mga nagrereklamong mga bisita na sina Frances Avisado, Genelle Arisado, Alexandria Fonacier, Jeffrey D. Oreta, Lovella Garcia, at Nestor Hererra at pawang mga taga Quezon City, inalok umano sila ng komisyoner ng mga island activities.
Ang mga inalok sa kanila ay kabilang ang banana boat, ATV, parasailing, and flyfish para sa halagang P11, 400. 00.
Agad naman umanong ibinigay ng mga biktima sa ang naturang halaga sa suspek na pinangalan sa blotter report na is Greg Sacapaño.
Gayunpaman, ATV at banana boat lang ang naranasan nila. At nawala na ang nasabing suspek pagkatapos.
Giit ng mga ito na mayroon pa silang natitirang pera sa suspek na P6, 800.00.
Sa impormasyon ng Radio Birada! Boracay, ilang beses naring naireklamo ang nasabing komisyoner at gumagamit pa ng ibang pangalang gamit ang pekeng ID.

No comments:

Post a Comment