BARANGAY ELECTIONS
2016, TINIYAK NG COMELEC
Tiniyak ng Comelec na matutuloy na ang election sa Octobre,
sapagkat ito ay pinunduhan na ng commission on election. Makakaasa ang ating
mga mamamayan na maging matiwasay at may mapayapa ating darating na election
2016.
Ayon kay Alma Cahilig ang COMELEC Registrar ng Malay, mag
uumpisa ang registration of voters sa July 15 - 30, 201. at kinakailangan na may edad 18 anyos ang
pwedeng magparehistro upang makaboto sa darating na election. Hinde muna sila
tatanggap ng mga gustong magpatransfer ng registration kung saan gusto nilang
bomoto.
Para naman sa mga Sangguniang Kabataan dapat may edad 15 – 30 years old ang dapat
bomoto. Subalit ang edad 18 hanggang 24 lamang ang edad ang pwedeng kumandidato
sa pagka SK.
Gayunpaman, mahigpit na ipinagbabawal ng COMELEC na hindi
dapat kumandidato ang 1st to 3rd degree relation at ito
ay ipinagbabawal.
Sa aming panayam kay Alma Cahilig COMELEC MALAY na
kinakailangan magparehistro agad ang mga taong walang Biometrics sapagkat ito ay madalian at 15 days lamang
kayat tuloy tuloy ang registration kahit araw ng sabado at lingo “wala po
tayong holiday” ayon sa ating Commission on Election. Inaasahan ng COMELEC na
ang lahat ng hindi pa nakapag parehistro ay magparehistro na habang maaga pa at
wag nang antayin ang last day of filing upang hinde magahol sa oras at maiwasan
ang pag kaantala sa mga gustong magparehistro.
kailan ang sakto petsa ng election ng baranggay.
ReplyDelete