Makakatanggap na ngayong buwan ng Pebrero ang mga taga-Kalibo, mga residenteng nabiktima ng dumaang bagyong Yolanda, ang kanilang emergency shelter assistance. Sila ang kauna-uanahang makakatanggap ng tulong na ito sa probinsiya.
Samantala, may ibang bayan na hanggang ngayon o ngayon palang nagkakandarapang magsumite ng kanilang mga pangalan sa DSWD o Department of Social Welfare and Development Offic eng Region VI. May iba, 'di umano alma ng mga residente, tila walang pakialam ang kanilang mga opisyal--ni hindi sila inaatubiling magfill-up ng kung ano para sa nasabing tulong.
Pero bakit ang iba naman, nag-uuruda sa mga mamamayan na magkuha ng postal ID dahil di umano'y irerelease na ng kanilang Municipal Social Welfare and Development office ang naturang inaasahang tulong, ganoon palang naloko lang pala!
Ang tanong nga ganito: bakit ang nabanggit na bayan ay nakatanggap na ng tulong, bakit ang iba'y wala pa? Sino ang dapat sa sisihin dito?
Kung ganito lang naman, ang tulong na ito ay hindi dapat tawaging Emergency Shelter Assistance kundi DELAYED shelter assistance.
Tama ngang dapat magmove-on na lang! Maghanap ng paraan o magsikap na maging independente sa pagbangon.
Ang amin lang naman sa lokal na gobyerno tulong ay bilisan para naman kayo'y mapagkatiwalaan.
Sa mga residente naman, sa halip na maghintay magmove-on nalang!
No comments:
Post a Comment