Pinag-usapan ang pagsasailalim sa state of calamity ng mga bayan na apektado ng paralitic shell fish poison o red tide sa isinagawang Sangguniang Panlalawigan session kahapon.
Ayon sa binasang ulat kahapon sa SP session ay ipinagbabawal pa rin ang pagkain at pagbebenta ng ilang mga lamang-dagat na nagmumula sa mga bayan ng Altavas, Batan, at New Washington, lalo na ang mga shelfish tulad ng tahong at talaba, dahil sa hindi pa rin ibinababa ang warning bulletin sa mga nasabing bayan.
Ayon din sa ulat, ang ilang mga lamang-dagat tulad ng isda, hipon at iba pa ay dapat na linisin at hugasang mabuti bago lutuin.
Dahil nga din sa red tide ay apektado ang pamumuhay ng mga pamilyang umaasa sa panghuhuli at pagbebenta ng mga lamang dagat.
Ito ang dahilan kung bakit itataas ang state of calamity sa mga nasabing munisipalidad upang mabigyan na din ng financial assistance ang mga pamilyang apektado na magmumula sa probinsya at sa at sa tulong na din ng Provincial Dsaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).
Dahil dito, isang mosyon ang ipinasa kahapon upang mailagay na sa state of calamity ang mga nasabing lugar at ito ay unanimously approved naman ng mga miyembro ng Sanggunian.
Ang hinihingi lamang ng Sanggunian ay maging transparent ang pamimigay ng ng financial assistace sa mga apektadong pamilya upang hindi na maulit ang mga naging problema sa pamimigay ng financial assistance sa mga beneficiaries ng bagyong Yolanda.
Wednesday, December 9, 2015
Tuesday, December 8, 2015
Apartment sa Kalibo, ni-ransack!
Isang apartment ang ni-ransack ng mga magnanakaw da bayan ng Kalibo.
Kahapon ay personal na nagtungo sa Kalibo PNP ang biktima na si Nashreen Koh, 30-anyos, isang flight stewardess at kasalukuyang nangcungupahan sa isang apartment sa Pastrana St. Poblacion, Kalibo upang humingi ng police assistance matapos na matuklasang ni-ransack ang kanyang inuupahang apartment.
Anya, pagdating niya sa kanyang inuupahang kwarto bandang alas-12:45 ng tanghali kahapon ay nakita niyang nakakalat na ang kanyang mga gamit at nawawala na ang ilan sa mga ito. Wala na ang kanyang apat na branded na relo, isang SLR camera, ilang mga dokumento, at isang pouch na naglalaman ng 20 US Dollars, 1500 Thai Bhat, 600 HK Dollars, at Australian Dollars na naghahalaga sa humigit-kumulang PHP10,000 pesos.
Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng mga kapulisan, hinihinalang dumaan ang mga magnanakaw sa likod na pintuan ng apartment ng biktima sa pamamagitan ng pagsira sa door frame at lock ng pinto.
Sa kasalukuyan ay under follow up investigation pa ang nasabing kaso.

Monday, December 7, 2015
Lalake, huli sa isa pang buy bust ops sa Kalibo
Naging matagumpay ang isinagawang drug buy-bust/entrapment operation na isinagawa ng kapulisan kagabi na ikinadakip naman ng suspek sa bayan ng Kalibo.
Sa ikinasang operasyon ng joint elements ng Aklan Provincial Anti Illegal Drug Operations Task Group sa pamumuno ni Police Insp. Geo Colibao at Kalibo PNP na pinangunahan ni PCI Al Loren Bigay bandang alas-diyes kagabi sa Veterans St., Brgy. Poblacion, Kalibo, nadakip ang suspek na kinilalang si Louie Cordova y Manalo, 35-anyos, at residente ng nasabing barangay, na nagbebenta ng isang plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu sa posseur buyer ng kapulisan.
Sa isinagawang body search sa suspek ay nakuha sa kanyang posesyon ang ginamit na buy bust money, isa pang plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu, at isang cellphone na pinaghihinalaang ginagamit ng suspek sa kanyang mga transaksyon.
Sa pagkahuli sa suspek ay inimpormahan ito ng kanyang kinakaharap na kaso, violation of Sec. 2 and Sec. 11 of Art. 2 RA 9165, kasabay ng pagpapa-alam dito ng kanyang mga karapatang konstitusyunal.
Dinala ang suspek sa Don Rafael S. Tumbokon Medical Hospital para sa isang medical examination at kasalukuyang naka-piit sa lock-up cell ng Kalibo PNP.

Wednesday, December 2, 2015
Miyembro ng KAP, tinalo ng sibilyan
Sakit ng katawan ang inabot ng isang miyembro ng Kalibo Auxillary Police matapos mabiktima ng direct assault ng ilang sibilyan matapos na rumesponde sa isang pagtatalo sa bayan ng Kalibo.
Personal na ipina-record ni KAP Agapito Villanueva y Candelario, 28-anyos ang mga pangyayari noong Disyembre 2, 2015 ng gabi. Anya, bandang alas-11 ng gabi ay nagpapatrolya siya kasama ang isa pang miyembro ng KAP nang madaanan nila ang isang babae at lalake na nagtatalo sa Pastrana Park. Sinabihan nila ang ang mga ito na umuwi na lang pero naunang umalis ang lalake. Tinawag ito ni KAP Villanueva at sinabihang huwag iwanan ang kanyang nobya, pero sa halip ay nagalit ang lalake at sinagot ito ng mga hindi magagandang salita. Minura ito at tinawag na bastos. Hindi na ito pinansin ni Villanueva pero maya-maya lang ay dumating ang dalawa pang di nakikilalang lalake at dalawang babae na nagsasabing sila daw ay minaltrato ng KAP at pinagsalitaan din ng hindi maganda si Villanueva. Nilapitan ito ng isang alyas Kano at sinuntok ito ng dalawang beses sa mukha. Tinangka din itong saktan ng dalawa pang lalake.
Dahil dito ay kinailangang lapatan ng medical treatment ang nasabing KAP member. Nagkaroon na rin sila ng amicable settlement na hindi na magsasampa ng kaso pero nananatili si alyas Kano sa lock up cell ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.

Lalake, timbog sa buy-bust ops sa Kalibo
Timbog ang isang lalake matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng suspected shabu sa bayan ng Kalibo.
Sa illegal drug operation na isinagawa ng joint elements ng Aklan PPO-PAIDSOTG na pinangungunahan ni Police Insp. Geo Colibao at Kalibo MPS na pinangungunahan ni PCI Al Loren Bigay bandang 5:45 noong Nob. 29, 2015 na isinagawa sa isang subdibisyon sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan ay arestado ang suspek na kinilalang si Michael Alba y Eribal, 35-anyos, tubong Cabungao, Roxas City at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay.
Huli sa akto ang suspek na binebentahan ang police asset ng isang transparent plastic na naglalaman ng suspected shabu.
Sa isinagawang bodily search sa suspek ay nakuha pa ang 2 transparent plastic na naglalaman ng suspected shabu at isang ID na nakapangalan kay Alba.
Nagtangka ding manlaban ang suspek ngunit agad naman itong napigilan ng mga pulis.
Matapos mahuli ang suspek ay inimpormahan ito ng kanyang kinakaharap na kaso, ang paglabag sa Sec. 11, Art. 2, RA 9165, at ng kanyang mga karapatan.
Inilagay ang suspek sa kustodiya ng kapulisan para sa karampatang disposisyon.

Subscribe to:
Comments (Atom)