Tuesday, March 31, 2015

Alyansang Scrap MC24 muling mag-aaklas sa Abril 8

Kasabay ng ika-17 buwan nang nanalasa ang bagyong Yolanda, at bisperas ng kasirinlan ng bansa, mapupuno na naman ang Pastrana Park sa Kalibo, Aklan, ng mga aktibistang grupo at mga taumbayan na hindi sang-ayon sa DSWD MC24.

photo courtesy of Rise Up Aklan
Mangyayari ang nasabing rally sa Abril 8, 2015. 

Ang alyansang ito ay nabuo noong Marso 19 at patuloy na nilalahukan ng mga Local Goverment Executives, Kalibo Diocesan Action Center, Federation of Kalibo Tricycle Operators and Drivers Association (FOKTODA), Progressive Organization na pinapangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (BYAN-AKLAN) at ang organisasyon ng Yolanda survivor ang RISE UP AKLAN.

Sa panayam ng Radyo Birada! Boracay, ipinaabot ni Mr. Kim-Sin F. Tugna, Provincial Coordinator ng RISE UP AKLAN, na nakatakdang magpulong ang lahat ng mga rehiyong naapektuhan ng Yolanda kaugnay ng pagpasa ng petisyong buwagin o alisin ang Memorandum Circular 24 ng DSWD.

Ayon pa sa kanya, ito ay hindi umano makatarungan at makatao.

Ang MC24 ay atas na ipinasa ni Sec. Dinky Soliman ng DSWD na nilagdaan ng Pangulong Aquino na nag-aalis sa lahat ng mga biktima ng bagyong Yolanda na sumasahod ng 15, 000 pesos bawat buwan at lahat ng mga biktima na kabilang sa tinatawag nilang danger zone at lahat ng mga apektado na tumanggap na ng tulong mula sa mga non goverment organization.

Paliwanag pa nito na lahat ng tao ay nasailalim ng obligadong pagbabayad ng buwis kaya naman dapat umano lahat ay makatanggap ng tulong na ito dahil lahat naman ay nasalanta o dinaanan ng bagyong ito.

Umaasa parin ito na makakalap ng marami pang petisiyon mula sa mga munisipyo sa Aklan sa pakikiisa sa panawagan at kilusang ito.

Opinyon: Tigilan bago lumubog!

Sabi ng isang turista sa kanyang tourguide, "ipinababatid sa kanya ang naging karanasan nito sa  pagbisita sa Isla ng Boracay:

Ang kontrobersyal na West Cove resort na nag-ooperate na walang mga kaukulang permit.
"Ito ba ang tinuturing niyong paraiso? Ito ay isang lungsod, sa dami ng gusali. 

"Dahil dito malamang ay hindi na ako babalik sa Boracay."

Taong 2006 pa nang pumutok ang balita at usap-usapang unti-unti na umanong lumulubog sa karagatan ang worl class tourist destination na Isla ng Boracay dahil sa hindi makontrol na pagtatayo ng mga gusali sa resort na hindi isnusunod sa batas at kakulangan ng "maayos na drainage system."

Pero hanggang ngayon wala paring nababahala rito.

Ayon sa Tourism Infrastracture and Economic Zone Authority o TIEZA na pangunahing problema ng Boracay ang pagbabaha sa mabababang lugar sa Isla. Resulta umano ito sa hindi pagtalima ng mga negosyante sa "building code" at mga ordenansa sa pagtatayo ng mga hotel at mga resort.

Sinasabing malapit na umanong maging kritikal ang sitwasyon ng pagbabaha sa Boracay kung saan malaking bahagi ng Isla ang maaaring maging bahagi ng dagat kung hindi agad maaksuyan ang sistema sa drainage.

Paano naman ang mga imbestor na nagpapatayo ng mga gusaling walang permit.

Mas mahirap yata kung isang empleyado ng lokal na pamahalaan ay naglalabas ng mga pekeng building permit.

Salamat at natanggal na kamakailan si Alan Beguija, empleyado ng munisipyo ng Malay na matapos mapag-alamang naglabas ng mga pekeng permit sa ilang mga gusali sa Isla ng Boracay.

Ang mga ganitong situwasyon ang nagpapalala sa Isla ng Boracay. Dapat namang managot ang managot. Dapat naring tigilan ang walang humpay na pagtatayo ng mga gusaling ito.

Huwag na nating hintayin pang lumubog ang Isla bago tayo magsisi.

Opinyon: Bigtime na naman ang Aklan

Nanguna ngayon ang lalawigan ng  Aklan sa may pinakamalaking kita sa buong rehiyon ng Western Visayas sa turismo ng taong 2014.

Kabuuang P87.7 bilyon ang kita ng Western Visayas noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT)-6.

Nakapagtala ang Aklan ng P43.78 bilyon kung saan ang malaking kita nito ay nagmula sa 1.472 milyon na turista na nagbakasyon sa Boracay.

Pumapangalawa rito ang Bacolod sa kitang P12.8B, sinundan ng Iloilo City na may P12.26B.

Ang natitirang P18.88B ay nagmula sa pinagsama-samang kita ng mga probinsiya ng Negros Occidental, Iloilo, Guimaras, Capiz, at Antique.

Lalu ngayong taon, bigtime na naman ang Aklan dahil sa Isla ng Boracay. Magiging record-breaking kasi ang pagdagsa ng turista kapwa lokal at international ngayong summer season.

Magsisimula ito sa Mahal na Araw o semana santa na kung saan Isla ng Boracay ang target ng mga milyung bakasyunista para magbakasyon kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan mula sa trabaho, eskuwela, at pangingibang bansa.

Mahigit isang buwan nalang ay darating din ang mga kalahok sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit dito sa Isla kung saan gaganapin ang kanilang dalawang magkahiwalay na ministerial meeting.

Matatandaan na una naring naghost ang ang Boracay sa pulong ng Supreme Court Chief Justices ng Association of Southeast Asian Nations para sa ASEAN integration.

Malaking selebrasyon din ang ginagawa tuwing Mayo 1, ang tinatawag na "Laboracay". Ito ay summer party celebration kung saan dinadayo pa ng ialng sikat na mga foreign at local tourist dahil sa magdamgang beach party.

Kaya namaN abala na naman ang mga opisyal ng lokal at probinsiyal na pamahalaan ng Aklan.

Bigtime na naman ang Aklan! Aming panawagan sana sa mga opisyal ay bigtime rin ang pagsasaayos ng mga kalsada, drainage system, daungan, at mga tanggapan ng pamahalaan dito sa Boracay--ang bread winner ng Aklan.

Utos ng CA sa Boracay sinuway

(Tina Mendoza)

Sinuway umano ng Friday’s Holdings, Inc. (FHI), subsidiary ng Boulevard Holdings, Inc. ng umano’y pamilya Panlilio, ang desis­yon ng Court of Appeals (CA) nang pasukin umano ng kumpanya ang lupain sa Boracay na pagmamay-ari ni Mila Yap-Sumndad noong Marso 13.


Sa pangunguna ni She­riff Melanie Z. Nanit, pinasok umano ng mga tauhan ng FHI ang pag-aari ni Mila Yap-Sumndad sa Boracay Station 1, bukod pa umano sa pagsira ng ilang kagamitan at pana­nakot sa ilang empleyado nito, may mga pagnanakaw pa umanong nangyari.


“Natakot ako sa mga ginawa nina Sheriff Nanit. Wala silang BREAK OPEN ORDER at tahasan silang pumasok, may mga dala pang mga maso, martilyo at iba pang kagamitan ang mga tauhan nila, may pulis pa na naglabas ng baril,” ani Mila Yap-Sumndad. “Nakakagulat na ang isang kum­panyang kasing-laki ng Boulevard Holdings eh ka­yang-kayang suwayin ang utos ng Court of Appeals. Paano na lang kaming mga lehitimong may-ari ng lupa dito sa Boracay?”


Sa isang resolusyong inilabas noong Disyembre 10, 2014, pinigil ng CA ang FHI at si Judge Rommel O. Baybay ng Regional Trial Court (Branch 132) ng Makati, mula sa pagpapatupad ng writ of execution na inilabas noong Pebrero 3, 2014 ng Makati RTC Branch 132. Ang nasabing writ of execution ay nagmula sa July 22, 2009 desisyon ng trial court kung saan ipinatutupad ang pagbenta umano ni Atty. Daligdig A. Sumndad ng pag-aari ni Mila Yap-Sumndad sa Boracay sa kumpanya ng mga Panlilio.


Si Atty. Sumndad ay ang hiwalay na asawa ni Mila Yap-Sumndad.


Ayon kay Mila Yap-Sumndad, pineke ang pirma niya sa Compromise Agreement sa pagitan ni Atty. Sumndad at ng FHI. Ang pagpeke ng pirma ni Mila Yap-Sumndad ay kinumpirma ng Crime Laboratory ng Camp Crame matapos ang isang masugit na pagsisiyasat. 

http://www.abante-tonite.com/issue/mar3115/news_story07.htm#.VRoUO_mUcWE

Thursday, March 26, 2015

Estonian National nasalisihan

Nasalisihan ang isang Estonian national ng isang hindi pa nakikilalang suspek habang nakikipag-usap ito sa  D'mall Brgy.Balabag Isla ng Boracay ng takip-silim.

Ang biktima ay kinilalang  si Annely Uukivvi, 25 taong gulang at pansamantalang naninirahan sa Sitio Bolabog,Brgy.Balabag Isla ng Boracay.

Ayon sa salaysay ng biktima, lumapit ang isang persona para tanungin ang  biktima sa oras ay biglang may humablot nang kanyang  bag nang tinangkang kunin nang naturang biktima ang celphone sa bag nito. 

Sinubukang pang habulin niya ang supek subalit hindi na nya ito naabotan. Hindi namukhaan ng nasabing biktima ang suspek na nabanggit dahil sa bilis nang pangyayari.

Ang bag ay naglalaman ng isang Nikon Camera color black with 18-55 lense, isang Nikon extra lense 70-200,Memory card 16 GB at extra filter.

Ang kasong ito nasa ilalim nang imbestigasyon ng mga kapulisan ng Boracay PNP.