Nagimbal ang lahat sa kalunos-lunos na nangyari sa maglolang sina Ma. Macogue at sa 8 taon gulang nitong apo sa Luguinbanwa East, Numancia, Aklan matapos sialng nakawan at tangkang patayin sa pamamagitan ng pananaga noong Pebrero ng taong ito.
Bagaman naisugod pa sa ospital ang lola ay hindi na rin ito nagtagal at binawian rin ng buhay. Balik normal naman ang bata sa ngayon.
Gayunpaman nagdala ng takot sa lahat ng tag-Aklan ang pagkatakas ng suspek pagkatapos ng malagim na krimen na maaaring gawin rin nito sa iba.
Salamat na lang at dahil sa agarang aksiyon ng mga kapulisan matapos magsagawa ng tactical interrogation ang mga awtoridad at kapulisan ng Numancia PNP ay nahuli ang suspek sa probinsiya ng Romblon.
Isang malaking tagumpay ang pagkahuli sa suspek na kinilalang si Glenmier Merano alyas Jason Yap sa pareho ding buwan. Dahil rito nausisa ng mga awtoridad kung saan napag-alaman sa suspek na kumukuha ito ng lakas ng loob sa protektor at trainer na pulis.
Matapos na makakuha ng karagdagang testigo, nasampahan na ngayon ng kasong administratibo sa opisina ng ombudsman ng Numancia PNP sa pangunguna ni PNP Chief P/Insp. Willian Aguire.
Ang naturang pulis ay nauna ng nadestino sa Camp Crame sa humaharap na sa kaso ng pangungutong. Nadestino rin ito sa Libacao at Numancia police stations at Isla ng Boracay kung saan niya nasanay ang mga kabataan lalu na si Glenmer.
Katunayan, kapansin-pansin na naging talamak ang mga nakawan at iba pang krimen sa Isla na kinasasangkutan ng mga menor de edad o mga kabataan. Isa nga sa posibleng dahilan nito ang kapasawayan ng naturang pulis, mismong dapat mamuno sa kaayusan at katahimikan, sa pagprotekta at pagsasanay niya sa mga ito.
Huwag nawang pamarisan ang ganitong pulis. Salamat na ang isang bulok na kamatis ay naalis na sa iba pang bulok na kamatis upang huwag ng makasira pa sa iba pa.
Kung mayroon man itong naging kasama dito sa ganitong gawain, hiling namin na san ay maimbestigahan kaagad at maalis narin sa hanay ng mga kapulisan!
Friday, May 29, 2015
“Gobyerno sa Baryo” isasagawa sa Malay, Aklan
Magsasagawa na naman ng “Gobyerno sa Baryo” ang pamahalaang panlalawigan ng Aklan sa araw ng Sabado. At sa pagkakataon ngang ito ay gagawin ito sa Malay Elementary School sa Balusbos, Malay, Aklan.Ayon sa pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Gov. Joeben Miraflores, Cong. Teodorico Haresco, at Vice Gov. Bellie Quimpo, ito ay panlabing-apat nan a Gobyerno sa Baryo. Layunin ng programang ito na madala sa malalayong kabarangayan ang mga mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.
Katulad sa mga naisagawa na sa programang ito sa ibang mga bayan, Buena mano rito ang Provincial Engineer’s Office na mauna sa pagsasaayos ng mga kalsadahin at paghahanda ng mga pasilidad sa nabanggit na eskuwelahan na pagdarausan nito.
Kabilang sa mga serbisyo na dadalhin sa lugar ay medical at dental mission, feeding program, local and overseas job application, legal advices/ services, NSO services, Philhealth at SSS application, pamimigay ng mga lumber products para sa pagpapatayo ng bahay, pagtutuli, at marami pang iba.
Matatandaan na ang Gobierno sa Baryo ay una ng isinagawa sa mga bayan ng Libacao, Madalag, Malinao, Makato, Batan, Banga, Altavas, Balete, New Washington, Buruanga, Nabas, Numancia, at Lezo.
Pulis nanghipo?
ISLA NG BORACAY--Isang nagpakilalang pulis ang inireklamo sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC matapos itong manghipo ng nobya ng may-ari ng isang bar dito sa isla.Salaysay ng biktimang babae na kumukuha umano ito ng inumin sa bar table sa loob ng isang bar nang habang nakatalikod ay hinipuan ito ng isang lasing na lalaki sa kanyang puwet.
Umiwas naman agad ang babae subalit inagaw pa umano sa kanya ang inumin nitong inorder.
Nilapitan naman ng nobyo ang suspek matapos magsumbong ang babae rito mula sa mesang kinauupuan nito sa loob rin ng bar. Kinumpronta ng nobyo ang suspek subalit itinulak siya nito.
Inawat naman ito ng isang staff at ipinakilala ang nobyo ng babae na may-ari ng bar doon sa suspek.
Dahil rito, nag-iskandalo ang lalaki.
Habang may nakaaway na iba pang partido, sumigaw ito sa labas na "Pulis ako!" kung saan natigilan naman ang mga nakaalitan nito na kumpruntahin pa siya.
Samantala, napag-alaman na mula nang mangyari noong Mayo 22 ang insidente ay may mga kahina-hinalang nang mga kalalakihan ang pumapasok umano sa kanilang bar ayon sa magnobya.
Ang kasong ito ay iniimbestigahan pa ng mga kapulisan habang inaalam ang pagkakakilalan ng suspek.
Friday, May 22, 2015
Mga Media binigyang pugay sa Boracay
Sa kanyang pambungad na mensahe sa kakatapos lang na APEC 2015 Media Dinner Night, ipinahayag ni Mayor John P. Yap ng bayan ng Malay ang kanyang malaking pasasalamat sa iba-ibang sektor ng pamahalaan, pribadong organisasyon, na bumubuo sa kaayusan at kalakaran ng paghost ng isla sa APEC 2015, higit lalo sa mga media practitioners.
Sinabi nito na maganda o pangit man ang balita, malaking tulong parin ito na makilala ang Boracay at makapagbigay babala sa mga tao. "Publicity is still a publicity", ayon pa kay Yap.
Dumalo rin sa mga pagpupulong ang mga boluntaryo sa APEC, mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Malay, at mga kinatawan ng National Organizing Council ng APEC.
Ang dinner night na binuo ng LGU Malay at ng APEC 2015 Malay Task Force ay may temang "Fiesta sa Isla".
Trade Minister Robb, nakatakdang bumisita ngayon sa Boracay
ISLA NG BORACAY--Nakatakdang bumisita ngayong araw si Australian Trade Minister Andrew Robb AO MP sa isla ng Boracay bahagi ng nagpapatuloy na Asia-Pacific Economic Cooperation Meeting dito.
![]() |
| LARAWAN: Minister Robb, mula sa www.facebook.com/AndrewRobbMP |
Nabatid na ang mga lifeguard ng PRC dito sa Boracay ang tanging propesyonal na pangkat sa Pilipinas na naitreyn sa pamantayan ng pankaligtasan sa surf ng Awstralya at ni Australian Red Cross Volunteer David Field.
Ang pangkat ay magbibida ng PRC-Boracay's Australian-modelled surf safety at lifesaving program, na nakaktulong na maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod sa kilalang isla sa buong mundo, ang Boracay.
Inaasahan na magbibigay siya ng pahayag pagkatapos ng aktibidad na gagawin mamayang hapon sa front beach sa Station 1.
Dadalo rin dito sina Dr. Gwendolyn Pang, Sec. Gen. ng Philippine Red Cross; Mayor John Yap ng Malay; at Dir. Nieva B. Mendoza, chairperson ng PRC Boracay-Malay Chapter.
Si Minister Robb ay nasa bansa para dumalo sa APEC Ministers Responsible for Trade Meeting. Magsisimula ang naturang meeting dito sa isla bukas.
Subscribe to:
Comments (Atom)
