Thursday, February 26, 2015

Opinyon: Ang isla sa gitna ng ingay

Kumakailan lang ay bumisita si Director General Marciano Paynor ng APEC 2015 National Organizing Council (NOC) sa probinsiya ng Aklan kung saan idiraos ang nalalapit nang APEC Summit sa Isla ng Boracay.


Nakipagpulong rin siya sa mga opisyal ng probinsiya para sa pagsiguro ng kaayusan at kaligtasan ng halos 5, 000 bisita mula sa loob at labas ng bansa na kalahok sa nasabing malaki at mahalagang pagpupulong.


Isa sa mga spesipikong hiningi nito ay katahimikan.

Mahigit dalawang buwan nalang ay dumating na ang ganyan kalaking bilang ng mga bisita sa Isla.

Gabi-gabi nalang nakasanayan na ang 'night party' sa Isla lalu na sa mga videoke at disco bar. May mga videoke bar na inirereklamo dahil sa ayaw magpatulog ng mga kapitbahay sa lakas magpatugtog.

May ilan namang open mupler na mga motorsiklo ay takaw-oras magpakarera partikular sa Bloomfield area, sa Cagban, at sa Fairways na nakakadisturbo ng mga bisita sa kanilang pamamahinga.

Sa araw, ay ang mga maiingay na sasakyang humaharurot, kung maakala mo'y hari ng kalsada. Sa naman ay malagayan na ng mga silencer ang mga bawat sasakyang ito. Nakakabingi sa tainga.

Ito ay isang Isla, na dapat sana'y lagaslas ng alon sa dagat huni ng ibon, at pag-ihip ng hangin sa mga dahon ng kahoy ang mauulinig.

Hiling lang naman namin na bawasan na ang ganitong ingay. Patahimikin nawa ang katahimikan ng Isla.

Simulan ngayon, para pagdating ng mga bisita, wala nang anumang pag-aalala.

Tuesday, February 24, 2015

Opinyon: Pasyente lang kami!

Mainit ngayon ang isyu sa Ibajay District Hospital sa dahilang marami ang nabiktima ng mga maling pag-aalaga sa mga pasyente at ang mga empleyado/a ng nasabing paggamutan ay mga suplado/a lalu na ang mga nurse at doctor.

May nakarating na reklamo na namatay ang pasyente dahil sa kanilang pagtanggi o pamimili ng kanilang tatanggapin.

Ang ganitong Sistema ay isang paglabag sa batas ng pamahalaan. Nakasaad sa batas na ang mga medical practicioner na namimili ng mga taong lalapatan bibigyang ng medical na tulong ay papatawan ng kaukulang parusa ng pagkatalsik sa paglilingkod at maaaring mawalan ng habambuhay na benipisyo para sa mga empleyado/a ng gobyerno.

Unang-una, ang mga tauhang pang medical ay may sinumpaang maglingkod sa bayan at unahin ang kapakanan ng mga pasyente. Ito dapat ang makita sa pagkilos, pagsasalita, at pag-iisip ng mga ito.

Pangalawa, ang mga tauhang pang medical ay may sinumpaang maglingkod sa bayan at unahin ang kapakanan ng mga pasyente. Ito dapat ang makita sa pagkilos, pagsasalita at pag-iisip ng mga ito.

Pangalawa, ang mga pasyente ay pasyente—tao na may karamdaman at pakiramdam. Hindi ito mahirap intindihin. Ang mga ito ay may karapatang tumanggap ng agarang tulong kung kailangan.

May pera man  o saw ala ang pasyente, ang tunay na serbisyo ay maingat at mabuti makitungo!

Concerned Citizen
Isang Baranggay, Ibajay, Aklan

Monday, February 23, 2015

Opinyon: Disiplina sa mga kabataan

Sa pagsulong ng makabagong teknoloheya, kasabay nito ang paglikha ng mga larong pangcomputer at mga website n anaglalaman ng kahalayan at kalaswaan.

Kabilang rito ang pinaka-usong laro ngayon sa mga kabataan na Defense of the Ancient o DOTA.

Pero kasabay ng pag-uso ng mga ito, ang tila pagkawala ng moralidad at pagpapahalaga ng mga kabataan--sa pakikipag-ugnayan pamilya, pakikipagkapwa, at sa edukasyon.

Isinusulong ngayon ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong mahinto ng mga kabataan.

Ito ang House Bill 4740 o ang Internet Cafe Regulation Act na naghihikayat din sa mga magulang na i-monitor na mabuti ang nilalaro sa computer  ng kanilang mga anak at kung anong website ang binubuksan.

Nakasaad pa sa panukulang ito na hindi dapat papasukin ng mga may-ari ng iternetshop ang mga menor de edad mula alas-7 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga tuwing weekends at holiday para malimitahan ang mga ito sa computer games.

Marami na ang naiulat na hindi magandang naidulot nito sa mga kabataan, halimbawa nito ang 16 taon-gulang na batang lalake na pinatay ang 11 anyos na lalaking kalaro dahil na-hack nito ang kanyang DOTA account, ganoon rin 17 anyos na binatilyo na binugbog ang kanyang lola matapos siya nitong pagalitan dahil sa sobrang adik sa computer games.

Sa Brgy. DasmariƱas, Cavite ay mayroon ng resolusyon na nagbabawal sa larong DOTA dahil sa nagdudulot ito ng sugal at gulo sa kanilang kumunidad.

Sa aming palagay, dapat ngang higpitan at subaybayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paglalaro nito at limitahan ang oras.

Kung ito ay hindi makakatulong sa kumunidad lalu na sa pag-unlad ng kabataan, bakit hindi ito ipagbawal.

Friday, February 20, 2015

Opinyon: Pagbabawal sa paggamit ng plastic, nabasura

Taong 2012, ipinatupad ng bayan ng Malay ang ordenansa na nagbabawal sa paggamit ng plastic bags sa drygoods sa munisipyo particular sa Isla ng Boracay sa layunin naring mapangalagaan ang malaparaisong kagandahan nito. Ito ang nakasaad sa Municipal Ord. 320 series of 2012.

Ipinagbabawal rin dito ang paggamit ng Styrofoam o styrophor. Layunin nito na magkaroon ng ecological balnce sa nasabing lugar.

Pero halos tatlong taon na nasaan ang pagsunod sa ordenansang ito? Sa implementasyon palang ay tila wala pang nasisimulan ang lokal na pamahalaan.

Sayang paglingun-lingon at pamamasyal sa Isla pa lang ng Boracay plastic dito plastic doon.

Hindi ba’t dapat munang pagbigyan o pagtuonan ng pansin ng lokal na pamahalaan, itong basura dito, basura doon.

Lalu ngayon, top 3 ang Bansa sa mga coastal countries sa buong mundo na malakas magtapon ng plastic na basura lalu na sa karagatan.

Sana naman dito sa Isla, lalu na sa front beach basuraha’y dagdagan, para pagkalat ng basura’y maiwasan.

Bakit? Kapansin-pansin kasi na tila walang masyadong mabusarahan sa front beach. Kung meron, parang katiting lang. Kung malagyan man, makabubuting magkaroon ng segregate na lalagyan ng basura.

Sana rin nama’y makipagtulungan din itong mga establisyemento komersiyal dito para sa dapat nga proyekto!

Salamat nalang sa mga batang matitiyagang namumulot ng basura sa tabing-dagat na ito upang mapagkaperahan.

Habang hindi pa tuluyang naipapatupad ang ordenansang ito—lahat ay magtulungan, kalat mo, linis mo!

Boracay ay pahalagahan, para lahat tayo makinibang!



Thursday, February 19, 2015

Russian ninakawan; suspek kulong

Nasa kulungan ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center police station ang suspek sa pagnanakaw sa isang Russian National sa loob ng isang bar sa Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan.

Sa blotter entry ng nabanggit na istasyon ng pulis, nasa loob ng bar ang biktima na si Kseniia Loshchilova, babae, 25 anyos ng nakawan ito ng suspek na kinilala kay Mark Anthony Castillo, nasa legal na edad.

Kinuha umano ng suspek ang kanyang cellphone na Sony Experia Z, sa loob ng bag nito, subalit nakita ito ng saksi na si Mikhail Loshilov, lalake, 24 anyos. Hinabol ng nasabing saksi ang suspek habang tumatakbo papalayo pagkakuha ng cellphone.

Naabutan naman ito ng saksi at nakuha sa kanya ang nasabing pag-aari na kanyang ninakaw.