Thursday, February 19, 2015

Russian ninakawan; suspek kulong

Nasa kulungan ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center police station ang suspek sa pagnanakaw sa isang Russian National sa loob ng isang bar sa Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan.

Sa blotter entry ng nabanggit na istasyon ng pulis, nasa loob ng bar ang biktima na si Kseniia Loshchilova, babae, 25 anyos ng nakawan ito ng suspek na kinilala kay Mark Anthony Castillo, nasa legal na edad.

Kinuha umano ng suspek ang kanyang cellphone na Sony Experia Z, sa loob ng bag nito, subalit nakita ito ng saksi na si Mikhail Loshilov, lalake, 24 anyos. Hinabol ng nasabing saksi ang suspek habang tumatakbo papalayo pagkakuha ng cellphone.

Naabutan naman ito ng saksi at nakuha sa kanya ang nasabing pag-aari na kanyang ninakaw.

No comments:

Post a Comment