Wednesday, January 20, 2016

LALAKI SUGATAN, MATAPUS BARILIN GAMIT ANG SUMPAK


Patuloy parin ang patugis sa suspect matapus mamaril gamit ang isang improvise shotgun o tinatawag na sumpak

Ang biktima ay kinilalang si TEMOTHY DELA CRUZ,  18 Anyus isang maintenance ng isang spa, at residente ng So. Cabanbanan Brgy. Manoc  - Manoc, Boracay island, Malay,Aklan

Umano habang Naka upo  ang biktima kasama ang kanyang kapated sa labas ng isang tindahan bigla Umano itong suspek na dumating na me hawak na isang improvise shotgun o SUMPAK at sa mga pangyayari bigla nalang namaril.,

 itong suspect Na kinilalang si JOJIE HERNANDEZ 18 Anyus, at residente ng so. Cabanbanan Brgy. Manoc-Manoc, Boracay Island

Tinamaan ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang paa, nakatakbo pa ang biktama patungu sa kanilang bahay, hinabol pa umano ng suspect ang biktima at nag sisigaw pa ang nasabing suspeck
Agad naman dinala ang biktima sa isang pribadong klenika sa isla, at sa ngayun patuloy padin ang pagtugis sa nasabing suspect.

      


Thursday, January 7, 2016

Dahil sa selos, lady guard sa Boracay, binugbog ang nobyo!

Dahil sa selos at galit ay isang babae ang binugbog ang kanyang nobyo at nagbantang magpakamatay sa isla ng Boracay.

Kinilala ang supek na si Jennie Flores y Delompines, isang lady guard, tubong Naisud, Ibajay at kasalukuyang naninirahan sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay, Malay.

Ayon sa complainant na si Jomer Dionisio y Padilla, isang security guard, tubong Mangan, Banga at kasalukuyang naninirahan sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, bandang alas-7:30 umano kagabi ay nagka-sakitan ang dalawa dahil sa nagselos si Flores sa kanyang kasintahang si Dionisio, at ikinatamo naman ito ng mga galos at pasa sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan si Dionisio.

Nagbanta din si Flores na kapag nakipag-hiwalay sa kanya ang kanyang nobyo ay magpapakamatay ito.

Dahil sa takot at pag-aalala ay minabuti ng complainant ang nasabing insidente sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center kung saan ito ay ini-reffer naman sa Barangay Balabag Justice System.

Chinese National, hinold-up sa Boracay!

Isang Chinese national ang hinold-up kagabi sa isla ng Boracay.

Kinilala ang biktima na si Yi Lun Wang, 22-anyos, at kasalukuyang naninirahan sa So. Tolubhan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay.

Ayon sa blotter report mula sa Boracay Tourist Assistance Center, bandang alas-8:00 kagabi, habang nakasakay ang biktima sa isang single motorcycle mula sa area ng AKY Gasoline Station ay pinara sila ng dalawang di nakikilalang mga kalalakihan sa area ng So. Tolubhan sa nasabing barangay.

Tumigil naman ang driver at nilapitan sila ng dalawang lalake at tinutukan ng patalim ang biktima sa tagiliran at hiningan ng pera. Sa takot ay nagbigay naman ng Php 1,000.00 ang biktima at sinabihan ang driver na dali-dali siyang ihatid sa kanyang tirahan.

Ang nasabing kaso ay kasalukuyang under follow up investigation.

Wednesday, January 6, 2016

Driver ng motorsiklo sa Boracay, sinaksak sa likod!

Isang driver nang motorsiklo ang sinaksak sa likod ng isang di pa nakikilalang suspect.

Ang biktima ay kinilalang si Edvamar Subiaga, 22-anyos, tubong Libacao, Aklan at pansamantalang nakatira sa So. Tulubhan, Brgy. Manoc-Manoc, Boracay Island.

Base sa salaysay ng biktima, siya umano ay nagda-drive ng kanyang motorsiklo nang siya ay sinigawan ng suspect para huminto, at nang kinumprota niya umano ang suspect ay bigla na lamang umano siya nitong sinaksak sa likuran.

Nagpangbuno pa ang dalawa ngunit nakatakas ang suspetsado sa di malamang direksyon.

Nagtamo ang biktima nang isang saksak sa ibabang bahagi ng likod, at agad naman itong dinala sa isang pribadong klinika sa isla ngunit di kalaunan ay dinala din sa Kalibo para sa kaukulang medikasyon.

Nagsasagawa na rin ng mga kapulisan ng manhunt para sa pagkakadakip ng nasabing supect.

Tuesday, January 5, 2016

Ginang, hinablutan ng bracelet sa Kalibo

Kaso ng pagnanakaw ang isa pa sa mga naipatala dito sa Kalibo PNP na nangyari lamang kaninang madaling araw.

Kaninang alas-7:30 ng umaga personal na nagpatala si Gng. Josephine Salazar ng Bakhaw Sur, Kalibo sa himpilan ng Kalibo PNP matapos na nakawan umano kaninang madaling araw.

Anya, nang siya umano ay nasa kanyang kwarto kaninang ala-1:00 ng umaga ay isang lalake umano na nasa labas ng kanyang bintana ang humila sa kanyang kanang kamay na may mga gold bracelets. Nilabanan niya umano ang pagkaka-hila sa kanya kung kaya isang gold bracelet na nagkakahalaga ng Php10,000.00 umano ang nakuha sa kanya.

Naniniwala siyang sinundan siya ng mga salarin pauwi at pinagplanuhan na ang gagawing pagnanakaw sa biktima.

Under follow up investigation ang nasabing kaso.

Lalake, sinaksak sa harap ng Kalibo Public Market!

Kasong physical injury ang kakaharapin ng isang lalakeng nanaksak kahapon dito sa bayan ng kalibo.

Kaninang alas-6:30 ng umaga ay personal na nagtungo dito sa himpilan ng Kalibo PNP ang victim-complainant na si Rowel Dela Cruz, residente ng C Laserna St., Kalibo.

Ayon sa kanyang ibinigay na salaysay, bandang alas-8:30 ng umaga lahapon habang nakasakay siya kasama ang kanyang kaibigan sa isang naka-tigil  a tricycle sa area ng Kalibo Public Market ay nilapitan sila ng suspek na isang alyas "Evan" ng Brgy. Bang-bang, Balete at itinulak si Dela Cruz.

Tinangkang umiwas ng biktima ngunit naabot siya ni Evan ng saksak at tinamaan ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan at kaliwang kilikili.

Matapos nito ay dali-daling tumakas ang suspek samantalang dinala naman ang biktima sa Don Rafael S Tumbokon Memorial Hospital ngunit tumanggi naman itong magpa-confine.

Matapos magbigay ng salaysay ang biktima ay agad namang nagsagawa ng follow up investigation ang mga elemento ng Kalibo PNP upang mahuli ang biktima ngunit wala na ito sa kanyang tirahan.

Nakumpirma na ang pangalan ng suspek ay Ivan Iligan y Retulin na residente ng Teangang, Camaligan, Batan at Kalangkang, Makato, Aklan.

Under follow up investigation pa rin ang nasabing kaso.