Mag-iisang linggo na hindi parin natatagpuan ng mga awtoridad ang lalaking nahulog sa bangka sa baybayin sa pagitan ng bayan ng Buruanga Aklan at Caluya Island noon pang Sabado alas-3 ng hapon.
Ang mangingisdang biktima ay nakilalang si Alfredo Kadahing y Fernando, 43 at residente ng naturang bayan.
Ayon sa ulat ng Philippine Coastguard Caticlan, nagkasundo umano ang magkakaibigan na pumalaot upang mangisda. Kasama ang apat pa, ang biktima ay nakipagsapalaran sa panahong iyon kung saan ayon sa PCG ay malakas ang alon.
Napag-alaman nalamang ng apat nitong kasamahan na nawawala na ang naturang biktima sa bangka na ayon sa kanila ay marahil nahulog sa nasabing baybayin. Hindi umano nila napansin ang nangyari at nang tangka nilang balikan ang kanilang kasama ay nasiraan ang pumpboat na kanilang sinasakyan, partikular ang makina nito.
Ayon sa pamilya nito, kalbo ang nasabing lalaki at may tatoo sa binti na "lover boy Aklan" na posibleng pagkakakilalan sa biktima.
Sinubukang abutin ng Radyo Birada ang himpilan ng PCG Caluya at Caluya PNP para sa pag-alam ng pagkadagsa ng biktima roon subalit negatibo ang kanilang naging operasyon.
Nabatid na nagsagawa pa ng search and rescue ang PCG Caticlan sa baybayin ng gabi matapos mangyari ang pagkahulog di umano ng mangingisda subalit naging negatibo ang kanilang paghahanap.
Napag-alaman na ang lalaki ay nasa ilalim ng nakalalasing na inumin.
Umaasa naman ang pamilya nito na matagpuan ang kanilang kaanak.
No comments:
Post a Comment