ISLA NG BORACAY--
NEDA Deputy Dir. Gen. Tungpalan sa pagbibigay ng mensahe sa pagsisimula ng Study Center Consurtium Conference ng APEC. |
Nagsimula na ngayong araw ang Study Centers Consurtium Conference dito sa isla bahagi ng isinasagawang Second Senior Officials Meeting (SOM2) and Related Meetings ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC na inorganisa ng state think thank Philippines Institute for Development Studies at ng Philippine APEC Study Center Network, sa pakikipagtulungan ng Ateneo de Manila University at ng Asian Development Bank Institute.
Ibinigay ni NEDA Deputy Director-General Rolando G. Tungpalan ang pambungad na mensahe sa pagsisimula ng naturang kumperensiya kahapon ng umaga.
"This two-day conference gives us an opportunity for exciting discussions, fruitful exchange of ideas, and sharper policy propositions as we work to build more resilient and inclusive economies. With everyone’s support, we are confident that all of the aforementioned initiatives will be realized by the end of 2015," pahayag ni Tungpalan.
Nabatid na ang kumperensiyang ito ay magbibigay daan sa 21 bansang kalahok na pag-aralan at masalusyunan ang mga suliraning kinakaharap sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa kanya-kanyang bansa.
Samantala, matatandaan na mula noong Mayo 10 o araw ng Linggo nagsimula ang ang SOM2. Simula sa araw na ito ay iba-ibang usapin na ang dinaluhan ng mga delegado. Kabilang na rito ang Ocean and Fisheries workshop, Counter-Terrorism, at mga usaping may kinalaman sa pagpapaunlad ng komunikasyon gamit ang mga makabagong teknolohiya.
Magpapatuloy ang SOM2 sa hanggang sa 21 ng buwang ito.
No comments:
Post a Comment