Bagsak sa
kulungan si Reynaldo Suarez y Gliban, 33 anyos, at isang boat crew sa Malay,
Aklan sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan ng Malay Municipal
Police station at ng Boracay Police Assistance Center, PAID-SOTG at sa
pakikipag-ugnayan sa PDEA sa Sitio Tabon, Brgy. Caticlan, Malay, Aklan noong
Oktubre 10, 2012.
Nakuha sa
kanyang posesyon ang isang pakete ng hinihinalang shabu, isang pouch na
naglalaman ng siyam na nakaselyadong plastic na naglalaman parin ng
hinihinalaang shabu, pitong 500 peso bill na lahat ginamit bilang mark money,
isang Cherry Mobile phone, isang Samsung cellphone na naglalaman ng mga
hinihinalaang illegal na transaksiyon ng suspek, isang petaka, isang pouch, at
dalawang I.D. na nakapangalan sa suspek.
Sinaksihan
naman nina Pros. I Floshemer Chris Gonzales, kinatawan ng DOJ, Jhonny Ponce at
Hon. Nikki M. Cahilig, kinatawan ng media at ng Barangay.
Ang nasabing
buy-bust operation ay pinangunahan ni PO3 Edgar C. Moscosa, intelligence ng
PNCO.
Nasa
kulungan na ngayon ng Malay Municipal Police station ang nasabing suspek.
No comments:
Post a Comment