Wednesday, December 17, 2014

Guwardiya sangkot sa pambubugbog?

Humingi pa ng paumanhin ang biktima sa guwadiya sa hindi magandang inasal nito sa loob ng bar subalit binugbog siya nito kasam ng dalawang iba pa.

Paliwanag ng biktima na kinilala kay Gilbert Irabon, 28 anyos, residente ng Dumatad, Tangalan, Aklan, inihagis umano nito ang menu book sa kanyang mga kasama sa loob ng naturang bar sa Station 1 Brgy Balabag sa Isla ng Boracay.

Inihingi naman niya ito ng paumanhin sa guwardiya subalit nagalit umano ang huli at nagsabing "ano gid gusto mo ay?". At biglang nakisali ang dalawang suspek at binugbog ang biktima.

Ayon sa biktima, wala umano siyang intensiyon na manggulo sa nasabing bar.

Minabuti naman nitong ipinarekord ang nangyari sa Boracay police station at ang nasabing insidente ay ibinaba sa Barangay justice system para sa kaukulang pagsasayos ng dalawang panig.


42 anyos na lalake sinaksak patay

Hindi na naagapan pa ang biktima ng lokal na bahay-pagamutan na nagatamo ng pananaksak kahapon ng hating gabi sa So. Tambisaan Brgy. Manocmanoc, Boracay Island matapos itong ideklara dead on arrival ng attending physician.

Kinilala ang biktima na si Edgar espejo, 42 anyos, at tubong Nabas, Aklan at kasalukuyang nakatira sa una ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center police station, ang biktima ay sinaksak ng hindi pa nakikilalang suspek sa ilang metro lamang ang layo sa tirihan nito. Nagtamo ang bikitma ng isang saksak sa itaas na bahagi ng kanyang katawan na may sukat na 4 cm ang haba at 7cm ang lalim.

Tinatayang 5'2" ang taas ng suspek at medium built suot ang isang itim na jacket at 6 pocket na short kulay asul.

Ayon sa saksi, nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang biktima habang binabagtas niya ang mainroad malapit sa kaniyang tirahan, napagdiskitahan niya ang aso na kanya itong binunutan ng patalim at binato.

Inaalam pa ng mga kapulisan ang motibo sa pagpaslang sa biktima.


Russian national na nagtatanong lang ng direksiyon ninakawan

Masaklap ang sinapit ng isang Russian national na bakasyunista sa Isla ng Boracay matapos itong manakawan sa daan ng pinagtanungan nitong lalake kung saan ang direksiyon.

Nangyari ang nasabing insidente kaninang madaling araw sa sa pagitan ng Station 1 at Diniwid beach, Boracay, Malay, Aklan.

Ayon sa biktima na kinilala kay Kristina Poyarko, 28 , anyos, habang siya ay naglalakad sa nasabing lugar, nagtanong siya sa isang lalake kung saan ang daan papuntang Din-iwid beach subalit hindi aniya siya naintindihan ng lalake.

Minabuti ng bakasyunista na gamitin ang kanyang cellphone upang gumawa ng pagsasalin. Nang ipakita niya sa suspek ang pagsasalin nito sa kanyang cellphone na HTC One, madaling hinablot ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang cellphone at biglang tumakbo sa hindi malamang direksyon sa Station 1.

Sinubukan pa nitong habulin ang suspek pero hindi na niya nagawa pa at tuluyan nang nakatakas ito.

Larawan ng babaeng biktima ang suspek ay nasa 25-30 ang edad , nakasuot ng puting t-shirt at short pants at maiksi lamang ang buhok.

Ang kasong ito ay minabuting ipinarekord ng biktima sa Boracay Tourist Assistance Center police station at ngayon ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon.RB!B

Tuesday, December 16, 2014

Bangkay ng isang lalake natagpuan sa baybayin ng Boracay

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng di pa nakikilalang lalake sa back beach ng Isla ng Boracay kahapon.

Ayon sa Boracay PNP, 3:00 ng hapon ang bangkay ay natagpuan ng isang staf sa di kalayuan sa pinagtratrabuhan nitong resort . Pinagtulungan naman ng Boracay Action Group at ng Boracay Coast Guard ang pagkuha ng nasabing bangkay.

Wala nang ibang palatandaan ang lalake maliban sa suot nitong blue t-shirt dahil sa state of decomposition o nabubulok na ang katawan nito . Tinatayang nasa  30 hanggang 40 ang edad nito.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Prado’s Funeral Home at Cubay Norte, Malay, Aklan para sa kaukulang desposisyon.

Wednesday, December 10, 2014

Lalakeng nagtamo ng ilang pananaksak pinagtakaan umanong patayin

Pinaghahanap parin ng mga kapulisan ang suspek matapos nitong saksakin umano ang biktima ng tatlong beses kahapon ng gabi sa sitio Tulubhan, Brgy. Manocmanoc, Boracay.

Ayon mismo sa biktima na si Ben Rey Gaite, 31 anyos, banda 10 lumabas umano ang biktima mula sa isang videoke bar sa nabanggit na lugar habang nag-iinuman doon upang bumili ng sigiralyo nang nilapitan siya ng kanyang kaibigan na si Dandy Geronimo isa rin sa tinutukoy na suspek.

Matapos siyang nilapitan ng huli ay niyaya siya nitong pumunta sa kalapit na bar. Doon nakita ng biktima ang suspek na si Jose Garry Seraspe, nasa legal na edad, at kasalukuyang nakatira sa nabanggit na Barangay kagaya ng sa biktima. Doon umano, nang walang anumang dahilan ay sinaksak siya ng suspek na si Jose ng makatlong beses.

Naidepensa pa umano ng biktima ang kanyang sarili sa kabila ng mga galos nito na natamo dahil sa kung anong matalim na bagay ang isinaksak sa kanya ng suspek.

Inirefer naman ang biktima sa lokal na pagamutan sa Boracay para sa kaukulang medikasyon.

Tuesday, December 9, 2014

Construction worker pinagtangkaang patayin ng kapwa construction worker

Pinagtankaang saksakin ng dalawang construction worker ang isa sa kanilang mga kasama sa parehong trabaho hating gabi kahapon sa loob ng barracks sa Sitio Cagban, Brgy. Manocmanoc, Boracay.

Kinilala ang mga suspek na sina Joel Caadlawon, 37 anyos, taga-Samar at Vincent Hison, 22 anyos, taga Negros Occidental. Ang biktima naman ay si Ronnie Jacosalem, 31 anyos at taga Iloilo City. Ang mga nabanggit ay parehong construction worker sa una ng nabanggit na lugar kung saan nangyari ang insidente.

Ayon sa mga nakasaksi, naabutan umano nilang nagkaroon ng alitan ang magkabilang panig. Ang suspek na si Joel ay madala-dalang kutsilyo at tubong bakal at ang kasama nitong si Vincent ay may dala-dalang steel bar.

Sa alitang nangyari, tinangka ng unang nabanggit na suspek na saksakin ng kutsilyong dala nito ang biktima subalit nakailag ang biktima.

Agad namang kinuha ng isa sa mga saksi ang kutsilyo at nagkaroon na lamang ng suntukan sa magkabilang panig.

Nagtamo naman ng ilang sugat ang suspek na si Joel sa iba-ibang bahagi ng katawan nito.  Minabuti naman ng biktima na iparekord ang nasabing insidente sa Boracay Tourist Assistance Center police station.

Habang nasa himpilan ng nasabing police station nagkasando ang dalawang panig na ayusin ang mga nangyari.

Monday, December 1, 2014

Exclusibo: Suspek sa pananaksak sa bayan ng Tangalan nakatakas na may pusas

Patuloy paring pinaghahanap ng mga kapulisan ang suspek sa pananaksak matapos itong makatakas ng nakapusas. Ang panyayaring ito ay ikinamatay ng biktima. Nangyari ang nasabing insidente noong Sabado ng madaling araw sa So. Bangkiling, Tondog, Tangalan, Aklan.

Kinilala ang suspek kay Richrad Magdaluyo Y Melanio, mas kilala sa tawag na "Dagul", 36 anyos at residente ng Brgy Tagas sa nabanggit na bayan.

Samantal, kinilala naman ang biktima na si Prudel Villorente Y Panagsagan, alyas "bogs", 36 kasalukuyang nakatira sa Linabuan Sur, Banga, Aklan.

Matatandaan na banda 12:25 ng madaling araw, habang nag-iinuman ang biktima sa bahay ng kakilala nito sa nabanggit na pinangyarihan ng isindente bilang bisita kasama ang iba pa ng bigla dumating ang suspek at sinaksak siya nito sa kaliwang dibdib nito, sa kanang ilalim na bahagi ng kanyang braso.

Nakadepensa ang biktima nang suntukin nito ang suspek sa kanyang bibig at mukha subalit sinaksak uli siya ng naturang suspek sa tiyan ng makalawang beses.

Rumesponde naman ang pulis na nakadelploy sa karatig sitio kung saan kasalukuyang nagkakaroon ng sayawan sa bisperas ng pista doon.

Pagkarating ni PO2 Nederden T. Patani, nadatnan niyang nakahiga sa itaas ng suspek ang duguang biktima. Agad nitong inawat ang dalawa at narekober sa suspek ang penknife na ginamit sa pananaksak na may habang 19cm at pinusasan ito.

Dahil sa ang biktima ay halos malapit ng mamatay, nagtawag ng masakyang tricycle sa malapit ang nasabing pulis at pagkalingon nito ay wala na ang nasabing suspek na sinabing tumalun umano sa talahiban at nakatakas.

Dumating din ang ambulansiya at agad na isinugod ang biktima sa Aklan Cooperative Mission Hospital sa Kalibo. Di rin nagtagal at binawian din  ng buhay ang biktima sa ikalawang gabi nito sa naturang ospital.

Dahil lamang sa kapote, photographer binaril

Kritikal ngayon ang isang photographer matapos siyang barilin ng suspek dahil lamang sa isang kapote. Nangyari ang nasabing pagbaril madaling araw kahapon sa  Sitio Cagban, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na banda 2:30 ng umaga, sa nabanggit na lugar ay nagkainuman ag biktima kasama ang iba pa sa isang videoke bar.

Nakilala ang biktima kay Reynaldo Cooper, 34 anyos, residente ng naturang lugar at isang photographer.

Kasama ang isang kainuman lumabas ang mga ito para bumili ng sigarilyo. Dahil sa malakas ang buhos ng ulan, kinuha ng biktima ang isang kapoteng nakasabit sa labas ng nasabing bar ng walang paalam at ginamit ito papunta sa kalapit na tindahan.

Pagkarating ng suspek sa lugar na pinag-iwan ng kapote napansin niya na wala na ito doon. Nakilala ang suspek na si Rex Durana, 28 anyos at coordinator ng isang travel tour company at kasalukuyang nakatira sa nabanggit na barangay.

Pagkakita nito na suot-suot ng biktima ang kanyang kapote ay sinundan niya ito at nagbitiw ng pagbabanta sa kanya. Agad itong umuwi ng boarding house malapit sa lugar at bumalik na binaril ang biktima.

Mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang pagbaril subalit sumuko rin banda 10:00 ng umaga sa kahapon sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC police station.


Samantala, isinugod kaagad ang suspek sa lokal na ospital ng Boracay at kalaunay ipinadala rin sa Kalibo sa isang kilalang ospital roon para sa karampatang lunas.