Monday, December 1, 2014

Dahil lamang sa kapote, photographer binaril

Kritikal ngayon ang isang photographer matapos siyang barilin ng suspek dahil lamang sa isang kapote. Nangyari ang nasabing pagbaril madaling araw kahapon sa  Sitio Cagban, Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na banda 2:30 ng umaga, sa nabanggit na lugar ay nagkainuman ag biktima kasama ang iba pa sa isang videoke bar.

Nakilala ang biktima kay Reynaldo Cooper, 34 anyos, residente ng naturang lugar at isang photographer.

Kasama ang isang kainuman lumabas ang mga ito para bumili ng sigarilyo. Dahil sa malakas ang buhos ng ulan, kinuha ng biktima ang isang kapoteng nakasabit sa labas ng nasabing bar ng walang paalam at ginamit ito papunta sa kalapit na tindahan.

Pagkarating ng suspek sa lugar na pinag-iwan ng kapote napansin niya na wala na ito doon. Nakilala ang suspek na si Rex Durana, 28 anyos at coordinator ng isang travel tour company at kasalukuyang nakatira sa nabanggit na barangay.

Pagkakita nito na suot-suot ng biktima ang kanyang kapote ay sinundan niya ito at nagbitiw ng pagbabanta sa kanya. Agad itong umuwi ng boarding house malapit sa lugar at bumalik na binaril ang biktima.

Mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang pagbaril subalit sumuko rin banda 10:00 ng umaga sa kahapon sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC police station.


Samantala, isinugod kaagad ang suspek sa lokal na ospital ng Boracay at kalaunay ipinadala rin sa Kalibo sa isang kilalang ospital roon para sa karampatang lunas.

No comments:

Post a Comment