courtesy of KIA fb page |
Ang Kalibo ay may bilang na 2, 321, 162 mga pasahero, sinudan ng Iloilo Airport sa bilang na 1, 677, 632, at Caticlan sa pangatlo sa bilang na 507, 621. Di na kasama sa report ang Sigay-Bacolod airport dahil hindi na ito bahagi pa ng rehiyon.
Ang naturang bilang ng mga pasahero na dumaan sa KIA ay mas mataas ng 4% kumpara sa tala noong 2013 na may bilang na 2, 255, 543.
Sa kabuuan ang naging bilang mga nandayuhan sa Aklan noong nakaraang taon ay 2.828milyon sa pinagsamang bilang ng Kalibo at Caticlan airport.
Una rito, tinanghal din ang KIA bilang pangatlo sa piling daanan ng mga foreign tourist sa mga nagdaang buwan ng taong ito sa 8.5%. Nangunguna rito ang Maynila sa bilang na 72% at Cebu ang pangalawa sa 15%. Ito ay base sa tala na inilabas ng Department of Tourism (DOT).
Dahil sa paglaki ng bilang ng mga dayuhan sa Aklan partikular sa Isla ng Boracay, lumaki rin ang kita ng Isla sa unang anim na buwan ng taong ito ayon sa tala ng DOT-VI sa halagang P22.6B.
No comments:
Post a Comment