Sakit ng katawan ang inabot ng isang miyembro ng Kalibo Auxillary Police matapos mabiktima ng direct assault ng ilang sibilyan matapos na rumesponde sa isang pagtatalo sa bayan ng Kalibo.
Personal na ipina-record ni KAP Agapito Villanueva y Candelario, 28-anyos ang mga pangyayari noong Disyembre 2, 2015 ng gabi. Anya, bandang alas-11 ng gabi ay nagpapatrolya siya kasama ang isa pang miyembro ng KAP nang madaanan nila ang isang babae at lalake na nagtatalo sa Pastrana Park. Sinabihan nila ang ang mga ito na umuwi na lang pero naunang umalis ang lalake. Tinawag ito ni KAP Villanueva at sinabihang huwag iwanan ang kanyang nobya, pero sa halip ay nagalit ang lalake at sinagot ito ng mga hindi magagandang salita. Minura ito at tinawag na bastos. Hindi na ito pinansin ni Villanueva pero maya-maya lang ay dumating ang dalawa pang di nakikilalang lalake at dalawang babae na nagsasabing sila daw ay minaltrato ng KAP at pinagsalitaan din ng hindi maganda si Villanueva. Nilapitan ito ng isang alyas Kano at sinuntok ito ng dalawang beses sa mukha. Tinangka din itong saktan ng dalawa pang lalake.
Dahil dito ay kinailangang lapatan ng medical treatment ang nasabing KAP member. Nagkaroon na rin sila ng amicable settlement na hindi na magsasampa ng kaso pero nananatili si alyas Kano sa lock up cell ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment