Wednesday, December 9, 2015

Mga bayang apektado ng red tide sa Aklan, isasailalim sa state of calamity

Pinag-usapan ang pagsasailalim sa state of calamity ng mga bayan na apektado ng paralitic shell fish poison o red tide sa isinagawang Sangguniang Panlalawigan session kahapon.

Ayon sa binasang ulat kahapon sa SP session ay ipinagbabawal pa rin ang pagkain at pagbebenta ng ilang mga lamang-dagat na nagmumula sa mga bayan ng Altavas,  Batan, at New Washington, lalo na ang mga shelfish tulad ng tahong at talaba, dahil sa hindi pa rin ibinababa ang warning bulletin sa mga nasabing bayan.

Ayon din sa ulat, ang ilang mga lamang-dagat tulad ng isda, hipon at iba pa ay dapat na linisin at hugasang mabuti bago lutuin.

Dahil nga din sa red tide ay apektado ang pamumuhay ng mga pamilyang umaasa sa panghuhuli at pagbebenta ng mga lamang dagat.

Ito ang dahilan kung bakit itataas ang state of calamity sa mga nasabing munisipalidad upang mabigyan na din ng financial assistance ang mga pamilyang apektado na magmumula sa probinsya at sa at sa tulong na din ng Provincial Dsaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Dahil dito, isang mosyon ang ipinasa kahapon upang mailagay na sa state of calamity ang mga nasabing lugar at ito ay unanimously approved naman ng mga miyembro ng Sanggunian.

Ang hinihingi lamang ng Sanggunian ay maging transparent ang pamimigay ng ng financial assistace sa mga apektadong pamilya upang hindi na maulit ang mga naging problema sa pamimigay ng financial assistance sa mga beneficiaries ng bagyong Yolanda.

No comments:

Post a Comment