KALIBO, AKLAN--Nakatakdang ipamahagi ngayong araw ng Local Goverment Unit (LGU) at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) ng Kalibo ang tig-30, 000 pesos na pondo mula sa pamahalaang pambansa tulong para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.
Nabatid na sa bayang ito ay mabibigyan ang 1215 mga biktima ng bagyo kung saan kabuuang 30k ang kanilang matatanggap matapos mavalidate na kabuuang nawasak ang kanilang bahay.
Ang nasabing pondo o Emergency Shelter Assistance (ESA) ay tulong ng pamahalaan upang mapaayos ng mga benipesaryo ang kanilang mga kabahayan.
Matatandaan na noong Pebrero ng taong ito ay una nang naipamigay sa mga taong bahagya namang nasira ng kanilang bahay dahil sa bagyo ang parehong tulong sa halagang 10k bawat isa sa kanila.
Sa 16 na mga kabarangayan sa bayang ito ay unang mabibigyan ang Poblacion.
Samantala, matatandaan na noong Biyernes ay nagsagawa ng dayologo ang mga militanteng grupo kasama ang LGU Kalibo sa paghiling nila na ipamigay na ang naturang pondo sa mga tao. Maliban rito ay humingi rin sila ng pinansiyal na tulong sa mga nabiktima ng sunog sa C. Laserna sa bayan ding ito.
No comments:
Post a Comment