Nobyembre 8, 2013, Sabado ng hagupitin ng bagyong Yolanda ang halos buong Kabisayaan.
Matindi ang naging pinsala sa Tacloban na kumitil ng maraming buhay. Pero hindi rin nakaligtas ang Aklan sa nangyaring trahedya. Biktima rin ang mga Aklanon sa nangyari, malaki rin ang pinsala sa mga tao--kabuhayan, kabahayan, maging ng mahal sa buhay.
Bakit kayhirap makahingi ng tulong sa pamahalaang lokal? Sa barangay pa lang ay parang itsapuwera ka nalang? Porke ba kontra-partido ka'y wala ka nang matatanggap na tulong? O di naman kaya'y pahirapan kang matulungan? Kailangan pa bang lumuhod at humalik sa paanan ng kamahal-mahalang kapitan?
Bakit kitang-kita na ang bahay na nadaganan ng malaking puno'y para tilang hangin lang? Titigan mang maigi'y walang alam, este walang pakialam! Pinabayaan pa ng isang taon, na hindi ito inalis para lang naman mapansin ng pamunuang lokal pero parang tila wala lang. Hanggang sa natapos nalang ang isang taon.
Nilagare nalang ang puno at ibinenta para maperahan.
Napakalaking ebedinsiya na ang naktambad sa kanila.
Ang tunay na pinuno ay may pagkalinga at pag-aalala sa LAHAT ng nasasakupan. Ang tunay na naglilingkod sa bayan kapakanan ng tao ang pinapahalagahan.
Sa bagal ng tulong kitang-kita na ang sa likuran palakasan na lang!
Kahit bahay mo'y di giba sa listahan pangalan mo'y doon parin makikita. Ambag na tulong, sa kanya'y unang-unang biyaya. Ito'y hindi na dapat pa maging palaisipan kundi kong ika'y may kapit, idaan sa palakasan.
Mahiya naman ang mga ito! Batu-bato sa langit ang matamaan huwag magalit.
Bakit sa tulong na bigas palang halimbawa, ang sa iyo'y anim na sako, ang sa iba nama'y kalahating sako? Anong ibig sabihin nito.
Sa baranggay ni Kapitan, ang tanyag na slogan: "PALAKASAN".
No comments:
Post a Comment