Bangkay na nang matagpuan ang isang lalake matapos na magbigti sa kanilang tahanan sa bayan ng Kalibo.
Bandang alas-8:30 ng umaga kahapon, Disyembre a-27, nakatanggap ng tawag ang Kalibo PNP mula sa baranggay captain ng New Buswang, Kalibo at humihingi ng police assistance dahil sa ini-report sa kanilang suicide incident na nangyari umano sa Interrior Ati-atihan Compound sa nasabing barangay.
Sa pagresponde ng mga kapulisan at sa kanilang isinagawang inisyal na imbestigasyon, bandang alas-8:00 ng umaga ay nakita umano ni Ginang Amalia Recalde ang kanyang anak na si Mark Recalde alyas Mac-mac, 26 anyos, na naka-bitin sa banyo ng kanilang bahay.
Dinala ang labi ng biktima sa isang punerarya at under follow up investigation pa ang nasabing pagpapakamatay nito.
No comments:
Post a Comment