Thursday, July 14, 2016

BARANGAY ELECTIONS 2016, TINIYAK NG COMELEC


Tiniyak ng Comelec na matutuloy na ang election sa Octobre, sapagkat ito ay pinunduhan na ng commission on election. Makakaasa ang ating mga mamamayan na maging matiwasay at may mapayapa ating darating na election 2016.
Ayon kay Alma Cahilig ang COMELEC Registrar ng Malay, mag uumpisa ang registration of voters sa July 15 - 30, 201.  at kinakailangan na may edad 18 anyos ang pwedeng magparehistro upang makaboto sa darating na election. Hinde muna sila tatanggap ng mga gustong magpatransfer ng registration kung saan gusto nilang bomoto.
Para naman sa mga Sangguniang Kabataan  dapat may edad 15 – 30 years old ang dapat bomoto. Subalit ang edad 18 hanggang 24 lamang ang edad ang pwedeng kumandidato sa pagka SK.
Gayunpaman, mahigpit na ipinagbabawal ng COMELEC na hindi dapat kumandidato ang 1st to 3rd degree relation at ito ay ipinagbabawal.

Sa aming panayam kay Alma Cahilig COMELEC MALAY na kinakailangan magparehistro agad ang mga taong walang Biometrics  sapagkat ito ay madalian at 15 days lamang kayat tuloy tuloy ang registration kahit araw ng sabado at lingo “wala po tayong holiday” ayon sa ating Commission on Election. Inaasahan ng COMELEC na ang lahat ng hindi pa nakapag parehistro ay magparehistro na habang maaga pa at wag nang antayin ang last day of filing upang hinde magahol sa oras at maiwasan ang pag kaantala sa mga gustong magparehistro.