Maglalagay ng mga plakard babala-pangkaligtasan ang
Philippine Red Cross Boracay-Malay chapter sa beach front mula station 1
hanggang 3.
Ang mga nasabing plakard ay galing sa Department of Toursim
na pangangasiwaan ng Red Cross team ang paglalagay ng mga ito.
Ang nasabing proyekto ay pinasinayaan sa dalawang araw na
aktibidad ng Red Cross Boracay na “Festival of the wind” sa ikatlong taon nito
sa station 2, Boracay Island, Malay, Aklan.
Ipinahayag din ni G. Marlo Shoenenberger, chapter manager sa
nasabing lugar na nagbigay rin ang Mandala Spa ng isang high chair para sa mga
life guard.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong mamakalap ng pondo sa kasulukuyang gawain ng
nasabing organisasyon.
No comments:
Post a Comment