Nagtamo ng ilang galos sa katawan ang isang Korean national
nang matumba sa kalsada sakay ng minamanehong e-trike matapos masagi ng
humaharurot umanong motorsiklo.
Ayon sa biktima binabaybay nito ang kalsada patungong
laketown sa Brgy. Balabag at nang ito ay papaliko na sa isang simbahan sa
nasabing lugar, bigla nalamang na nahagip ng isang humaharurot na motorsiklo ang gulong ng kanyang e-trike.
Dahil dito natumba ang biktima. Nagtamo rin ng ilang pinsala ang
kanyang e-trike.
Samantala hindi nagpapigil ang suspek at mabilis pang
humarurot.
Kinilala ang biktima kay No Mi Ok, babae, 54 anyos. Samantala
inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilalan ng suspek.
No comments:
Post a Comment