Suprisa umano ang magiging panauhing pandangal sa nagpapatuloy na Ati-atihan festival ngayon sa bayan ng Ibajay, Aklan ayon kay Mayor Ma. Lourdes Miraflores.
Tiniyak naman nito na ito ay nasa hanay ng pulitika.
Samantala, ito naman ang ikatlong araw na ng isang linggong pagdiriwang ng Sto. Niño Ati-atihan festival ngayong taon. Gayunpaman, una nang isinagawa ang selebrasyon sa lingguhang Ibajay Idol Season 5 noon pang Nobyembre 14 ng nakaraang taon. Ang grand finals ay ginawa ng nakaraang lunes sa Gavino Solidom Park na dinaluhan nga ng mga ilang artista.
Ayon pa kay Mayor Miraflores, wala naman umanong naging pagbabago sa mga aktibidad na kasama sa pagdiriwang subalit tiniyak nito na taon-taon ay napapaganda nila ang kanilang presentasyon.
Ipinaalam pa nito na ang magiging highlight ng nasabing selebrasyon ay ang paglilipat ng Holy Image of Sto. Ñino de Ibajay mula sa Catholic Rectory para sa paglalagay naman St. Peter Parish Church na isinasagawa lamang isang beses isang taon, na pangungunahan ng Parish Pastoral Council, Congressman, Mayor ng bayan at mga opisyal, mga deboto at ng Sayaw Calizo Group na gaganapin sa Sabado ng umaga.
Nagpadala naman ng mga kapulisan ang rehiyon at ilang munisipyo sa probinsiya para makipag-sanib puwersa sa pagtiyak ng seguridad sa nasabing pagdiriwang.
No comments:
Post a Comment