BORACAY ISLAND, MALAY--Arestado ang isang lalakeng tatoo artist sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad kagabi sa So. Manggayad, Brgy. Manocmanoc sa islang ito kaninang madaling araw matapos makunan ng mga hinihinalaang shabu.
Nakilala ang tatoo artist sa pangalang Sandy Dela Cruz, 36 anyos, at tubong Bacolod City, Negros Occidental at kasalukuyang nakatira sa nabanggit na lugar.
Nakuha sa suspek ang 6 na plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu at isang aluminum foil na may tira ng hinihinalaan ding sangkap . Nasabat rin ang ilang mga kagamitan sa mga transaksiyon ng suspek kabilang na ang cellphone na naglalaman ng mga text messages ng ilegal na transaksiyon, at pera na walong 500 peso bill at tatlong 1000 peso bill .
Nakuhaan din ng tatlong magkaibang kalibre ng baril ang suspek: caliber 9mm, caliber 38, at caliber 22 magnum. 9mm, caliber 38, at caliber 22 magnum. Nakuha din ang mga bala ng baril kung saan tatlo dito ang para sa caliber 22, sampu sa caliber magnum 22, 13 sa caliber 9mm at tatlo sa caliber 38.
Nakuha naman sa naging poseur buyer ang isang sachet ng hinihinalaan ding shabu at ang perang ginamit sa operasyon na nagkakahalaga ng P1000.00.
Nakatakda namang i-inquest ang nasabing suspek sa Kalibo PNP station upang sampahan ng kasong paglabag sa paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang nasabing operasyon ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) PNP sa pangunguna ni PS/Insp. Fidel Gentallan, OIC at PAIDSOTG na pinangunahan ni PS/Insp. Renante Matillano.
Ang operasyon ay dinaluhan din ni Kabiradang Johny Ponce ng Radio Birada! Boracay bilang Media Representative.
No comments:
Post a Comment