Kritikal ang kondisyon ngayon ng isang laborer matapos hiwain
ang kanyang leeg ng kanyang katrabaho sa construction sa Isla ng Boracay
kagabi.
Lumalabas sa imbestigasyon ng BTAC o Boracay Tourist
Assistance Center, habang ang biktima at ang suspek ay nasa inuman sa So.
Pinaungon, Brgy. Balabag, Boracay Island, Malay, Aklan, nagkaroon sila ng
mainit na pagtatalo tungkol sa problema sa pamilya.
Kinilala ang suspek kay Bernie Tumbagahan, 32 anyos at isang
laborer, samantalang ang biktima ay kinilala naman kay Joseph Tanoan, 22 anyos.
Napag-alaman na ang dalawa ay magkapitbahay lamang at pawang mga residente ng
Brgy. Afga, Tangalan, Aklan.
Habang nasa gayoon pagtatalo ang dalawa sinubukan namang
awatin ito ng kanilang mga kasama.
Mayamaya, umakyat ang biktima sa ikalawang palapag upang
matulog ngunit kalaunan ay bumaba at doon natulog malapit sa pinag-iinuman ng
suspek at ng iba pa.
Sa hindi inaasahan madaling tinungo ng suspek ang natatutulog
na kawawang biktima at doon hiniwa ang kanyang leeg gamit ang isang patalim.
Agad na isinugod ng mga kasama ang biktima sa lokal na
ospital ng Boracay subalit ipinadala rin sa isang kilalang ospital sa Kalibo
para sa karampatang medikasyon.
Samantala kulong naman sa Boracay police station ang biktima
matapos magsagawa ng manhunt operation ang mga kapulisan.