Isa na namang malagim na
pangyayari ang naranasan ng bisita sa Isla ng Boracay matapos itong manakawan.
Nangyari ang insidente
sa isang smoke bar and resto sa Station 2 sa isla.
Ayon sa blotter entry,
naghahapunan ang biktima na kinilala kay Hyun Jung Ko, 23 at isang Koreano kasama ang ilan
nitong mga kaibigan ng mangyari ang insidente.
Inilagay umano niya sa buhangin
sa ilalim ng kanyang upuan ang kanyang bag habang kumakain. Nagulat na lamang ito ng makita ang kanyang
bag sa ilalim ng kabilang mesa kasunod nila na nakabukas na at wala na ang
mahahalagang gamit nito kabilang na ang kanyang pitaka na naglalaman ng
halagang P20, 000.00, camera, sim card at diver scuba diving license card.
Ayon sa inisyal na
imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, may dalawang hindi
pa nakikilalang lalake ang nakaupo sa mesa kasunod nila kung saan niya
natagpuan ang kanyang bag na wala ng laman. Bago pa man ito may dumating
umanong kasamahang lalake sa nasabing mesa na nakasuot ng puting t-shirt at
nag-order ng beer.
Matapos ang mag-CR ang
waitress na nagsilbi ng beer sa lalake, mga 15 minuto, napansin nalamang nito
na wala na ang tatlo sa mesa na hindi pa nauubos ang inorder na beer. Dito
nakita niya sa ilalim na mesa ang bag ng biktima at nakabukas na ito.
Hinala ng mga ito ang
mga iyon ang maaaring responsable sa pagnanakaw.
No comments:
Post a Comment