MALAY,
AKLAN--Makakatanggap ang bayan ng Malay ng P246, 000.00 ngayong araw 10a.m. mula
sa Department of Trade and Industry (DTI) bilang bahagi ng kanilang programang
pangkabuhayan para sa training on packaging and labelling.
Ibibigay ang
nasabing halaga sa tanggapan ni Mayor John Yap na sasaksihan ng mga kasapi ng Local
Poverty Reduction Action Team (LPRAT) CSO’s.
Magsasagawa
rin ang TESDA ng programang pangkabuhayan parin sa naturang bayan na naglaan na
ng mga kagamitan sa pagsasanay at perang nagkakahalagang P492, 000.00.
Gagamitin ang mga ito para sa candle and pastry making training-seminar na
magsisimula sa ikaapat na lingo ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Ang mga
nailabas na pondo ay bahagi ng 2014 proyekto ng Grassroots Participatory Budget
(GPB) na kinakatawan ng LPRAT.
No comments:
Post a Comment