BORACAY, MALAY, AKLAN--Sugatan ang magkasamang karpentero na
sina Lude John Amigan at Darwin Vista matapos pagpapaluin ng kahoy ng dalawang
suspek.
Pinalo ng kahoy si Lude sa kanang kamay nito, samantalang
pinalo naman si Darwin sa ulo nito.
Kinilala ang mga suspek na sina Geserel Gatarin, 23 anyos,
residente ng Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan; at Junrel Cañola, 28 anyos, na
nagtratrabaho din sa parehong lugar kagaya ng sa mga biktima.
Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, habang ang mga biktima ay kasama ang kanilang
mga katrabaho at mga kaibigan na nag-iinuman sa kanilang barrack sa Brgy.
Yapak, Boracay, Malay, Aklan, ay nilapitan sila ng mga nabanggit na suspek
kasama ang tatlong iba pa at nagsabing pakihinaan ang tugtog ng radyo. Sinunod
naman nila ang mga ito.
Nang umalis para umihi ang mga biktima sa kalapit lamang ng
kanilang pinag-iinuman ay doon na ito pinagpapalo ng isa sa mga suspek ng
piraso ng kahoy. Pinataob pa ng suspek ang mesa na kanilang pinag-iinuman,
pinagsisipa ang mga upuan at nagbunot ng kutsilyo samantalang nagbibitiw ng mga
masasamang salita.
Agad namang inaresto ng kapulisan ang mga suspek.
No comments:
Post a Comment