Sa pagsulong ng makabagong teknoloheya, kasabay nito ang paglikha ng mga larong pangcomputer at mga website n anaglalaman ng kahalayan at kalaswaan.
Kabilang rito ang pinaka-usong laro ngayon sa mga kabataan na Defense of the Ancient o DOTA.
Pero kasabay ng pag-uso ng mga ito, ang tila pagkawala ng moralidad at pagpapahalaga ng mga kabataan--sa pakikipag-ugnayan pamilya, pakikipagkapwa, at sa edukasyon.
Isinusulong ngayon ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong mahinto ng mga kabataan.
Ito ang House Bill 4740 o ang Internet Cafe Regulation Act na naghihikayat din sa mga magulang na i-monitor na mabuti ang nilalaro sa computer ng kanilang mga anak at kung anong website ang binubuksan.
Nakasaad pa sa panukulang ito na hindi dapat papasukin ng mga may-ari ng iternetshop ang mga menor de edad mula alas-7 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga tuwing weekends at holiday para malimitahan ang mga ito sa computer games.
Marami na ang naiulat na hindi magandang naidulot nito sa mga kabataan, halimbawa nito ang 16 taon-gulang na batang lalake na pinatay ang 11 anyos na lalaking kalaro dahil na-hack nito ang kanyang DOTA account, ganoon rin 17 anyos na binatilyo na binugbog ang kanyang lola matapos siya nitong pagalitan dahil sa sobrang adik sa computer games.
Sa Brgy. DasmariƱas, Cavite ay mayroon ng resolusyon na nagbabawal sa larong DOTA dahil sa nagdudulot ito ng sugal at gulo sa kanilang kumunidad.
Sa aming palagay, dapat ngang higpitan at subaybayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paglalaro nito at limitahan ang oras.
Kung ito ay hindi makakatulong sa kumunidad lalu na sa pag-unlad ng kabataan, bakit hindi ito ipagbawal.
No comments:
Post a Comment