Taong 2012,
ipinatupad ng bayan ng Malay ang ordenansa na nagbabawal sa paggamit ng plastic
bags sa drygoods sa munisipyo particular sa Isla ng Boracay sa layunin naring
mapangalagaan ang malaparaisong kagandahan nito. Ito ang nakasaad sa Municipal
Ord. 320 series of 2012.
Ipinagbabawal
rin dito ang paggamit ng Styrofoam o styrophor. Layunin nito na magkaroon ng
ecological balnce sa nasabing lugar.
Pero halos
tatlong taon na nasaan ang pagsunod sa ordenansang ito? Sa implementasyon
palang ay tila wala pang nasisimulan ang lokal na pamahalaan.
Sayang
paglingun-lingon at pamamasyal sa Isla pa lang ng Boracay plastic dito plastic
doon.
Hindi ba’t
dapat munang pagbigyan o pagtuonan ng pansin ng lokal na pamahalaan, itong
basura dito, basura doon.
Lalu
ngayon, top 3 ang Bansa sa mga coastal countries sa buong mundo na malakas
magtapon ng plastic na basura lalu na sa karagatan.
Sana naman
dito sa Isla, lalu na sa front beach basuraha’y dagdagan, para pagkalat ng
basura’y maiwasan.
Bakit?
Kapansin-pansin kasi na tila walang masyadong mabusarahan sa front beach. Kung
meron, parang katiting lang. Kung malagyan man, makabubuting magkaroon ng
segregate na lalagyan ng basura.
Sana rin nama’y makipagtulungan din itong mga establisyemento komersiyal dito para sa dapat nga proyekto!
Salamat
nalang sa mga batang matitiyagang namumulot ng basura sa tabing-dagat na ito
upang mapagkaperahan.
Habang
hindi pa tuluyang naipapatupad ang ordenansang ito—lahat ay magtulungan, kalat
mo, linis mo!
Boracay ay
pahalagahan, para lahat tayo makinibang!
No comments:
Post a Comment