Tuesday, June 2, 2015

Bagong commercial development sa Boracay kinontra

Mariing kinokondena ng mga residente at turista ang ginagawang commercial development sa Isla ng Boracay, ang Puka Shell Beach na sinasabing isa sa sikat na lugar sa nasabing isla.
Ang Puka Beach na kilala sa pristine nature at lush forest covers ay sinisi­mulan nang i-develop ngayon para maging commercial land. Dahil dito, nagpahayag na ng protesta ang libu-libong residente at turista sa lugar para ipakita ang kanilang pagkontra sa dahilang sinisira nito ang ecosystem sa northern part ng nasabing isla.
Noong Marso 29, umaabot sa 8,417 katao ang nagkasundong lumagda sa petisyon ukol sa isyu bilang pagpapa­kita ng kawalan ng pabor sa nangyayari.
Sa kasalukuyan, isang bagong hotel na Seven Seas Boracay Hotel and Residences ang itinatayo na ngayon sa lugar.
Batay sa website ng Seven Seas, ang Boracay property ay magkakaroon ng pinakamalaking bilang ng underwater hotel resort rooms na 77 with large acrylic panel windows, na may 12 square meters na viewing area, na katumbas ng 192 inch ng viewing screen tanaw ang dagat. Inasahang magbubukas ang ope­rasyon nito sa kalagitnaan ng 2016.
Samantala, ilan naman ang nagpahayag ng kanilang sentimyento sa pamamagitan ng online.

1 comment:

  1. I think there's no issues about having different real estate in Boracay, as long as they undergo the due process and legal procedure so that everything will be placed accordingly.

    ReplyDelete