Tuesday, December 20, 2016

GATORADE MAY TISSUE SA LOOB NG BOTE

Sa kabila ng nakakatanggal uhaw na inumin na Gatorade ito ay nakitaan ng tissue sa loob mismo ng bote.

Nakita ang tissue sa loob ng bote ng isang media ng Radyo Birada dahil siya mismo ang nakabili at nakakita nito dahil sa kanyang kauhawan at gusto niyang uminum upang mapukaw ang kanyang uhaw at malasap ang tamis ng Gatorade.

Sinilip pa ito ng paulit-ulit at tiningnan  ito,  at kinumpirma na tissue nga ang nasa loob  nito na kung saan nakaka dismayang isipin at inumin sapagkat di mo lubos maisip na kung saan nangggaling ang tissue at bakit ito naka pasok sa loob ng bote, na dapat na linisin at tingnang mabuti ng kumpanya kung ang kanilang produkto ba  ay nasa maayos ang kalinisan at maging safe sa lahat ng mga tumatangkilik ng kanilang produkto.

Maaaring ito ay maging isang alarma at pweding ikasisira ng kumpanya kung ganito lagi ang maging kaayusan at sitwasyon kung ipagpapatuloy pa nila ang ganitong pangyayari.

Hinihingi ng Radyo Birada ang opinion ng Kumpanya at dapat nila itong ipaliwanag kung bakit nangyari ito sa di inaasahan ng mga mamimili na dapat sa bawat opirasyon ng kanilang produkto dapat itong naka alerto  na kung nasa maayos ba o hindi ang kanilang inilalabas na inumin na maging ligtas ito sa mga mamimili at nagtitiwala sa kalinisan ng kanilang produkto.





by: Oming Balidio

No comments:

Post a Comment