Tuesday, December 6, 2016

Single Motorcycle pinanghuhuli sa Boracay

Pinanghuhuli ng mga MAP ng Boracay ang mga kolurom na single motorcycle kagabi sa pangunguna ni dating SB Member Nieven Maquirang.
Ayon kay Maquirang dapat ng bawasan ang mga kolurom na motorsiklo upang mabawasan ang trapik sa Isla ng Boracay, sapagkat maraming pasaway na driber.
Aniya, matagal na itong pinagbabawal ng local na pamahalaan subalit hindi ito naisasagawa o ipinapatupad man lamang, na alam naman ng lahat na ito ay hindi dapat at ito ay bawal.
Sa panayam ng Radyo Birada sa mga driber ng motorsiklong pumapasada kaya naman daw sila pumapasada dahil pinangakuan sila noong eleksyon nag awing legal ang pamamasada ng mga driber ng motorsingle. Ang masama pa rito karamihan sa mga driber ay pawang walang mga lesensya at kolurom ang mga ito at walang sapat na dokumento ang kanilang pinapasadang sasakyan. Kaya dapat lang itong hulihin upang maisakatuparan ang batas na dapat ipairal ng local na pamahalaan ng Malay.


by: Oming Balidio

No comments:

Post a Comment