Tuesday, December 6, 2016

Iligal na gasolinahan sa bayan ng Nabas nabisto

Nabisto ang mga galon-galong gasolina na nakaimbak sa likod ng sementeryo ng Nabas sa Barangay Buenaswerte, Nabas, Aklan.
Napag-alaman na ang gasolina ay galing at dinidiliber ng isang sasakyan sa dis oras ng gabi, na kung saan walang makakakita sa tuwing ito ay dinidiliber ng isang trak.
Ayon sa mga saksi at mga residente ng nasabing barangay, sila ay natatakot sapagkat sa oras  o sa di inaasahang pangyayari kung sakaling ito ay sumabog o masunog, malaking perwisyo at marami ang madadamay rito.
Ayon na rin sa kanila, sila ay natatakot sa may-ari ng gasolinahan dahil lubha itong matapang at nananakot pa sa kanila kahit na sya ay isa lamang dayo sa nasabing lugar.
Ayon pa sa kanila, bakit walang aksyon at hindi pinagbabawalan ng Kapitan ng Barangay Buenaswerte ang ganitong negosyo na ito’y magdudulot ng masamang epekto at maaaring maging sanhi ng malaking perwesyo sa kapakanan ng nasabing baranggay.


by: Oming Balidio

No comments:

Post a Comment