Inihayag ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na binuksan na at maaari nang gamitin ang departure area ng Kalibo Airport, na sadya umanong itinaon sa panahon nang pagdagsa ng mga bakasyunista at mga turista sa Boracay.
Ayon kay sa DOTC, binuksan na kahapon ang departure area ng nasabing airport para na rin umano sa convenience ng mga pasahero.
Aminado ang DOTC na sadyang mabilisin ang pagsasaayos sa paliparan dahil na rin sa inaasahang maraming dadagsang mga turista at bakasyunista sa Boracay ngayong panahon ng summer at bakasyon.
Matatandaang una nang binuksan noong Marso 26 ang arrival section ng bagong 4,000 square meters wing ng Kalibo Airport.
Sinabi ni DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, na dinagdagan pa umano nila ng 10 bagong check-in counters ang paliparan para lalong makapagbigay ng convenience sa mga pasahero.
Ayon pa sa DOTC, may 4,000 square meter expansion ang paliparan at nagkakahalaga ito ng P44.3 milyon at kaya nitong mag-accommodate ng karagdagang 800 na mga pasahero.
01 April 2015 / Written by (Nonnie Ferriol)
Published in http://www.abante.com.ph/news/vismin2/25301/kalibo-international-aiport-bukas-na.html
01 April 2015 / Written by (Nonnie Ferriol)
Published in http://www.abante.com.ph/news/vismin2/25301/kalibo-international-aiport-bukas-na.html
No comments:
Post a Comment