Saktong 19 araw nalang ay magsidatingan na ang mga bisita mula sa 21-isang kalahok na bansa para sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC summit meeting dito sa Isla ng Boracay.
Malaking pondo na ang ginastos ng pamahalaan para paghandaan ang mahigit 2, 000 bisita lang naman sa meeting na ito sa labas at dagdagan pa ng parehong bilang dito naman sa loob ng bansa. Ang malawakang paglalapad at pagsasaayos ng pangunahing kalsada sa Aklan ay isa sa mga paghahanda rito. Naglaan din ng malaking pondo ang Department of Tourism o DOT region 6 sa pagpapaganda at pagsasaayos sa gilid ng mga kalsada sa bawat barangay na madadaanan nito. Ang makukulay na bulaklak, luntiang paligid, at malinis na kapaligiran ay siguradong makakapagpamahanga sa mga bisitang ito mula sa iba-ibang bansa.
Nagsimula narin ang lokal na pamahalaan ng Malay kung saan nasasakop ang sikat na Isla na ito ng Boracay kahapon sa pag-aalis ng mga lumot sa tabing baybayin na hindi maiiwasang dumagsa lalu na ngayong tag-init. All-set narin ang seguridad sa lugar sa pangunguna ng mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center.
Marami pang ibang paghahanda ang nagawa na ng lokal na pamahalaan at sa kasalukuyan ay tinatapos na ang iba. Kabilang sa mga ito ang paglalawig ng Caticlan Airport na kalaunan ay magiging Boracay airport na; pagmamadaling matapos ang panibagong daungan sa Caticlan at paglalawak ng daungan sa Cagban.
Higit sa mga paghahandang ito, an gaming panawagan sa lahat ay an gating magandang pakikitungo sa mga bisita. Nawa ay maging magalang at mapagkalinga tayo sa kanila, ngumiti at magbigay respeto. Ang maaring makita nila sa probinsiya at sa Isla ng Boracay ay tahasang magpapakita kung sino tayo at kung ano ang mga pagpapahalagang pinanghahawakan natin.
Ang mga taong ito na tatagal ng halos tatlong lingo sa Isla ay hindi pipitsuging mga bisita, ito ay kabaliktaran ng nabanggit. ito ay mga taong maimpluwensiya pagdating sa larangan ng pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Kailangan natin lalu na sa panahong ito ng kakulangan sa trabaho.
Ang magandang makikita nila sa paligid at sa mga taong mabubuti ang manghihikayat sa kanila na mag-invest o mamumuhunan sa probinsiya at sa Isla para rin naman sa kapikinabangan nating lahat.
Alalahanin na minsan lang mangyayri ito sa atin rito sa Isla at sa probinsiya at maging sa ating bansa. Ang susunod na kaparehong meeting ay mangyayari pa pagkatapos ng 20 taon.
Siguradohing maiinganyo natin makabalik pa sila rito pagkatapos ng nasabing panahon!
No comments:
Post a Comment