larawan nang nooy'y ginagawa palang na West Cove resort sa Boracay. |
Nakatakdang magsampa ng kasong libelo sa Quezon City ngayong lingo ang may-ari ng Boracay West Cove resort na si Crisostomo B. Aquino laban sa batikanong brodkaster ng ABS-CBN News na si Ted Failon dahilan sa malaking pinsalang naidulot nito sa nasabing kompaniya.
Matatandaan na lumabas sa nasyonal telebisyon at radyo ang pambabatikos ng naturang media man ng ilang ulit dahil umano sa mga paglabag ng nasabing resort.
Ayon sa ulat, nilabag umano ng Boracay West Cove ang Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FlagT) dahil sa pagsira nito sa mga korales, gubat, at tubig kung saan nakatirik ang nasabing resort sa So. Din-iwid, Brgy. Yapak sa Isla ng Boracay. Ito ang dahilan kaya pinawalang bisa ng kasalukuyang DENR Undersecretary ang nasabing kasunduan.
Gayunpaman, patuloy na tumatanggap ng mga bisita ang resort dahil sa naniniwala ang pamunuan nito na ang DENR Memorandum Order No. 2011-02 ay hindi sumasaklaw sa FlagT ng resort; hindi rin umano sila binigyan ng patas na imbestigasyon, at pagtangging mabigyan ng due process; at idinidiing walang karapatan ang Undersecretary na ikansela ang kasunduan na nilagdaan ng DENR secretary. Ang mosyong ito para sa konsiderasyon ay nakabinbin parin sa Korte hanggang ngayon mula ng maipasa ito noong Oktubre ng nakaraang taon.
Naniniwala ang pamunuan ng resort na may tao sa likod ng sunod-sunod na pambabatikos ng naturang brodkaster na naghahangad na makuha ang lupang kinalalagyan ng West Cove na maaaring kinasasangkutan ng malaking halaga ng pera. Giit naman ng abogado nito na sapat ang kanilang ebidensiya na magpapatunay na si G. Aquino ang lehitimong may-ari ng lupa.
No comments:
Post a Comment