ILOILO CITY – Isang sosyal na resort na paulit-ulit na lumalabag sa mga environmental law sa sikat sa buong mundo na Boracay Island sa Malay, Aklan, ang patuloy na tumatanggap ng mga turista.
Kinumpirma ni Jim Sampulna, director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 6, sa may akda na patuloy pa rin ang operasyon ng Boracay West Cove.
Ito ay matapos na kanselahin ni DENR Undersecretary Demetrio Ignacio Jr. noong Setyembre 2014 ang 25-taong Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAgT) ng Boracay West Cove dahil sa iba’t ibang environmental violation.
Matatandaang inisyu ni noon ay DENR Secretary Jose “Lito” Atienza Jr. ang 25-anyos na FLAgT laban sa Boracay West Cove noong Disyembre 2009.
Ang FLAgT ay nagbigay ng awtoridad sa Boracay West Cove para i-develop ang 998-metro kuwadradong lugar para sa turismo.
Gayunman, natuklasan kalaunan ng DENR na nilabag ng Boracay West Cove ang mga termino ng kasunduan sa FLAgT sa pagtatayo ng mga istruktura sa labas ng pinahihintulutang 998-square meter area.
Bukod pa rito, pinakialaman din ng Boracay West Cove ang 3,159 metro kuwadrado ng kakahuyan sa lugar.
Dahil dito, nagpalabas si DENR-6 Regional Director Julian Amador ng cease and desist order laban sa Boracay West Cove noong 2011. Nang taon din na iyon ay giniba ng pamahalaang bayan ng Malay ang bahagi ng resort dahil naman sa paglabag sa National Building Code.
Dahil dito, pinal nang kinansela ng DENR ang FLAgT noong nakaraang taon at inatasan ang pamunuan ng Boracay West Cove na bakantehin ang lugar.
Gayunman, naghain ang may-ari ng Boracay West Cove na si Crisostomo Aquino ng motion for reconsideration sa Court of Appeals (CA).
by Tara Yap / Apr 6th, 2015
No comments:
Post a Comment