Naaresto ang dalawa sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center, Malay Municipal Police Station, at Aklan Provincial Police Office Anti-Illegal Drugs Operation Task Group.
Kinilala sa report ang magkasintahan na sina Adrian Timbang, 26, tubong Lubao, Pampanga, at Rose Ann Gajila, 27, tubong Alcantara, Romblon.
Nakuha sa dalawa ang isang sachet ng shabu kapalit ng isang libong piso sa isinagawang operasyon banda 3:30 ng umaga, araw ng Huwebes sa kanilang boarding house. Maliban rito, isa pang sachet ng shabu ang natagpuan sa kanilang kuwarto, at tatlong sachet na naglalaman ng residue ng parehong ilegal na droga. Nasawata rin sa kanila ang mga drug paraphernalia kabilang na ang isang yunit ng cellphone na ginagamit sa ilegal na transaksiyon ng shabu.
"Ayaw sabihin ng kasama ko kung saan siya kumukuha ng ilegal na droga. Natatakot kasi siya dahil malaking tao ang kanyang pinagkukunan," ayon kay Rose Ann sa panayam ng Radio Birada! sa kanya. Giit nito na nagkautang diumano ng malaking halaga ang kanyang live-in partner kaya ito napilitang pumasok sa ilegal na hanapbuhay. Nabtid na ang lalaki ay nagtratrabaho bilang kusenero sa isla at massage therapist naman ang babae.
Nakapiit
ngayon ang dalawa sa Bureau of Jail Management and Penology sa Brgy. Nalook,
Kalibo, Aklan matapos sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o
Comprehensive Dangerous Drug
Act of 2002.
No comments:
Post a Comment