KALIBO,
AKLAN--Mahigit sa 12 libong rehistradong botante ang posibleng hindi makaboto
sa darating na lokal at nasyonal na eleksiyon sa Mayo 9, 2016 sa lalawigan ng
Aklan. Ayon kasi sa pinakahuling Consolidated Progress Report ng Commission on
Elections-Aklan sa halos 336 libong rehistradong botante ay 12 libo dito ang
hindi nakapagpa-biometrics.
Pinakamataas
sa 17 bayan ng probinsiya ang Kalibo na may halos tatlong libong rehistradong
botante ang hindi na nakapagpabiometric, sinundan ito ng Malay na may mahigit
isang libo. Pamupangatlo naman rito ang New Washington na may halos isang libo.
Pinakamababa naman sa bilang ang bayan
ng Madalag, Lezo, at Altavas.
Ang
bayan ng Kalibo ang may pinakamataas na bilang ng mga botante sa probinsiya na
may halos 43 libong bilang. Sinundan ng Malay sa bilang na mahigit 29 libo at
Ibajay sa mahigit 26 libo bilang ng mga botanteng nakapag-pabiometrics.
Matatandaan
na paulit-ulit ang ginawang kampanya ng COMELEC sa mga rehistradong botante na
magpa-biometrics. Sa bago kasing sistema ay hindi na makakaboto ang isang tao
kung wala itong biometrics data bagaman ito ay rehistrado. Nagsimula ang
pagsasagawa ng biometrics nitong Mayo at nagtapos sa huling araw ng buwan ng
Agosto.
Samantala,
sa Nobyembre 16 ay magsasagawa ng huling hearing ang COMELEC-Aklan para sa
pagsasaayos ng listahan ng mga botante sa buong lalawigan.###
No comments:
Post a Comment