Monday, February 2, 2015

Binata nalunod sa beach, hanggang ngayon pinaghahanap parin

Jawili Beach, Tangalan
Pinaghahanap parin ng mga provincial at municipal rescuers ang isang binata na nalunod sa Jawili beach sa bayan ng Tangalan kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Benjie Marte, 16 anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Tangalan PNP, nagkaroon umano ng victory party ang kasamahan ng binata sa kanilang grupo na Black Beauty Boys sa kanilang pagkapanalo sa tribal contest ng Kalibo Ati-atihan ito lang nakaraang buwan.

Napag-alaman na naligo ang biktima na nakapantalon lamang. Nabatid rin na malakas ang alon sa dagat na maaring dahilan ng pagkalunod nito.

No comments:

Post a Comment