Monday, February 2, 2015

Porter sinaksak umano ng isang construction worker

Pinagtulungang bugbugin ng tatlong construction worker ang dalwang porter, matapos magkaroon ng pagtatalo sa Cagban Port, Brgy. Manocmanoc, sa Isla ng Boracay kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga porter na sina Alexaner Gumboc, 22 anyos, at Wilmer Yano, 49 anyos.

Kinilala naman ang mga porter na sina Mark Tibio, 26 anyos, Rios Maming Ostan, 36, at Raymond Tibio Solis, nasa legal na edad, at lahat ay kasalukuyang nakatira sa parehong lugar na pinangyarihan ng insidente.

Habang sinusubukang awatin ng mga tao roon ang komosiyon sa dalawang panig, sinaksak pa umano ni Wilmer si Raymond matapos ng isang matalim na bagay saka ito tumakbo papalayo sa hindi malamang direksiyon.

Nagtamo naman ng ilang sugat si Alexander Gumboc sa nangyaring alitan.

Ngayon ay nasa kustodiya na ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center police station ang mga nasabing suspek.


No comments:

Post a Comment