Monday, February 2, 2015

Lalaki binugbog ng magkakapatid; suspek kalabuso"


Nasa kustodiya na ngayon ng mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center ang magkakapatid na ng bumugbog ng isang lalaki na naganap kaninang madaling araw sa Station 3, Manocmanoc, sa Isla ng Boracay.


Ang biktima nakilala kay Isagani De Asis Y Salde, 34 anyos, at nakatira sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Kinilala naman sa blotter entry ang magkakapatid na suspek sa pambubugbog na sina Kim at Nico Casimero at nakatira sa parehong lugar ng sa biktima.

Ayon sa imbestigasyon, binugbog umano ng magkakapatid ang biktima dahilan upang magtamo ito ng ilang sugat sa kanyang katawan sa hindi nalalamang dahilan.

Pinagbataan pa umano ito matapos ang pananakit sa biktima na mas matindi pa ang aabutin nito sa mga susunod na pagkakataon.

Inawat naman ng mga tao roon ang nasabing pambubugbog.

No comments:

Post a Comment