Wednesday, February 18, 2015

Swedish naisahan ng dalawang bakla

BORACAY-Minabuti ng isang bakasyunistang Swedish na iparekord sa Boracay Tourist Assistance Center police station ang nangyaring pagluko sa kanya ng dalawang benabae na nakilala niya lang sa islang ito.

Ang biktima nakilala kay Filip Jorbrand, 28 anyos. Samantala, hindi pa nalalaman ang pagkakakilalan ng mga baklang suspek.

Ayon sa kanya, nakasalubong umano niya ang dalawa habang naglalakad ito sa D' Mall sa Brgy. Balabag habang nagcha-chat. Niyaya ng mga ito ang biktima sa isang malapit na restaurant para kumain.

Matapos mag-order ang biktima ng kanyang kakainin, hindi nito inintindi ang dalawa na nag-order din ng pagkain sa pag-aakalang sila ang magbabayad ng mga ito.

Nagulat na lamang ang biktima ng malamang nai-charge sa kanya ang kanilang mga inorder.

Ayon pa  sa panayam ng Radyo Birada! sa Swedish sa salitang Ingles "may mga kaibigan din akong mga bakla sa Manila pero hindi ko alam na lulukuhin pala ako ng mga bakla dito sa Boracay."

No comments:

Post a Comment