Friday, February 6, 2015

Koreana ninakawan umano?

Labis ang panghihinayang ng isang Koreana matapos mawalan ng kanyang mahahalagang gamit na posibleng ninakaw.

Kagabi, habang nag-iinum ng kape , ang Koreanang si Kim Su Jin, 21 anyos, sa front beach sa Station 1  sa Isla ng Boracay, kasama ang kanyang kapatid, iniwan nito ang kanyang Galaxy Note 4 cellphone sa isang kalapit na bambo wave breaker.

Pagkatapos, umalis ang mga ito patungong Station 2 na direksiyon. Nang makalayo na ay naaalala ng Koreana ang kanyang cellphone na iniwan sa nabanggit na lugar.

Nang balikan niya ang nasabing area ay wala na itong nadatnan.

Hinihinalang ninakaw ito.

Ang nangyari ay minabuting ipinablotter ng turista sa Boracay PNP station o sa Boracay Tourist Assistance Center. 

Kasalukuyan namang inaalam ng mga PNP ang tunay na nangyari.

No comments:

Post a Comment