Friday, February 6, 2015

Turista nilooban sa kuwarto ng isang resort

Nagtataka nagyon ang dalawang turista matapos looban ang kuwartong tinutuluyan nila sa isang resort sa station 1, Balabag, Boracay Island noong isang araw gayung nakalock naman ang pinto at bintana nito.

Ang mga biktima kinilala kian Lito Ribo, 30 anyos, residente ng Nueva Ecija, at Rogine Villarosa, 30 anyos mula Parañaque City at pawang mga turista sa lugar.

Nang gumising alas-7:00 ng umaga, napag-alaman ng biktima na nawawala na ang dalawang cellphone nito na una niyang nilagay sa mesa. 

Agad naman niya itong ipianaalam kay Lito ang nangyari. Saka nalaman ng huli na nawawal rin ang pere niyang isang libong peso na nakalagay sa kanyang belt bag.

Napag-alaman din na nakuha rin mula sa wallet ng babae ang P6, 000.00.

Mariin namang ipinahayag ng babaeng biktima na ikinandado niya ang kanilang kuwarto alas-11 ng gabi.

Iniimbestigahan pa ng BTAC PNP ang nasabing pangyayari.

No comments:

Post a Comment