Thursday, February 12, 2015

Brgy tanod sangkot sa pambubugbog

Sangkot ang isang Brgy Tanod sa pambubugbog sa away ng dalawang tao na na nangyari Brgy Yapak, sa Isla ng Boracay madaling araw kahapon sa Plaza ng nasabing Barangay sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapistahan doon.

Ayon sa blotter entry ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center, papalabas na ang biktima sa nabanggit na plaza malapit sa stage ng bigla siyang hinampas ng bote ng isang lalake na tumama sa bibig nito.

Ang biktima nakilala kay Andyleon Genovia, 30 anyos, at residente ng nasabing baranggay.

Samantala nakilala naman ang suspek na una ng nanghampas ng botelya ng beer sa kanya na si Rex Aguire, residente rin ng nasabing lugar.

Gumanti naman ang biktima sa suspek ng paghampas ng sariling botelya nito sa kanya.

Sa kasagsagan, dumating ang mga kaanak ng biktima kasama ang Brgy. Tanod na nakilala kay Zaldy Aguirre na nagtulungan upang bugbugin ang biktima dahilan upang magtamo ito ng mga sugat sa iba-iabng bahagi ng kanyang katawan.

Sa panayam ng Radyo Birada! sa biktima, hindi nito alam kung ano ang naging ugat ng paghampas ng bote sa kanya ng naunang suspek.

Ibinaba naman ng kapulisan ang kasong ito sa Brgy Justice System ng nasabing lugar.

No comments:

Post a Comment