Patay ang
lalakeng kinilala kay Christian V. Cooper, 21 anyos, matapos na naaksidente sa
motorsiklo sa Nabas, Aklan. Samantalang nagtamo naman ng kunting sugat ang
driver ng motrosiklo at ang kasama pa niyang isa na backrider.
Lumalabas sa
paunang imbestigasyon ng mga kapulisan, ika-5 ng Oktubre 2014, habang binabay
ng limang trabahante ng isang komponya sa Caticalan, Malay, Aklan ang national
highway sa Brgy. Union sa nasabing bayan, nang biglang nasagasaan ng isang humaharurot na motorsiklo ang
dalawa sa kanila na sina Rolly Tayco, 32 anyos, at si Herbert Hambre, 21 anyos
na nagtamo lamang ng kunting sugat at idineklarang out-patient.
Samantala, pagkabangga ng mga ito sa
mga biktima ay natumba rin ang menamanehong motorsiklo. Isinugod naman sa Aklan
Baptist Hospital si Christian Cooper, back rider ng motorsiklo gayunman
idineklara na itong patay pagkarating. Dinala naman sa Kalibo provincial hospital
ng driver na si Jestoni Abelos, 20 anyos. Nagtamo naman ng kunting sugat ang
isa pa nilang kasama na si Jomel Aron.
Napag-alaman na ang mga biktima ay
nasa ilalim ng nakalalasing na inumin at ang driver nito ay walang naipakitang
driver’s license.
No comments:
Post a Comment