BORACAY,
MALAY, AKLAN—Luhaan ang isang Korean National na dumulog sa Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) police station matapos itong hablutan ng kanyang bag
na naglalaman ng mahahalaga nitong gamit sa Isla ng Boracay.
Ayon sa
biktima na nagngangalang Park Min Young, 30 anyos, naglalakad siya kasama ang
kanyang kaibigan sa kalsada sa Yapak, Boracay, Malay, Aklan papunta rin sa
kanyang kaibigan nang bigla ay tatlong hindi nakikilalang mga lalake ang
lumapit sa kanila at hinablot sa biktima ang kanyang bag.
Naglalaman
ang bag ng P10,000.00, 500,000 Korean money, 4 na credit card, lipstick,
make-up powder, at susi ng tinutuluyan nitong hotel dito sa Boracay.
Sumigaw ang
biktima upang makahingi ng tulong. Dalawang lalake ang agad na lumapit sa kanya
at nang mapag-alamang ninakawan siya ay agad namang hinabol ng mga ito ang mga
suspek subalit hindi na naabutan pa ang mga ito.
Ang kasong
ito ay sa imbestigasyon po ng mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment